Kris Aquino, umeksena sa isyu ng mag-amang James Yap at Bimby Yap

ADVERTISING

Kris Aquino, umeksena sa isyu ng mag-amang James Yap at Bimby Yap

Kris-AquinoUMEEKSENA NA naman si Kris Aquino, ha?! Kinagat na naman kasi ang paandar niya sa Instagram account na ni-reveal nga niyang may tampo raw ang anak niyang si Bimby sa tatay nitong si James Yap.

Nu’ng March pa raw ang tampo nito na kung saan nakita raw niyang iyak nang iyak si Bimby pagkatapos niyang makausap ang Papa niya.

Nag-text daw siya kay James na mag-celebrate na sila ng Father’s Day, pero naikuwento na niya ‘yung drama na may tampo.

Ayaw namang patulan ito ni James, at tumanggi itong magpa-interview, kahit anong kulit sa kanya ng Startalk.

ADVERTISING

Pero abangan n’yo pa rin bukas kasi may kuwento kami riyan.

Nakausap naman ng Startalk ang legal counsel ni James na si Atty. Lorna Kapunan, at sinabi niyang hindi pa raw niya alam ang tungkol sa isyung ‘yan.

Ang pagkaalala raw niya, gusto siyang kausapin ni James dahil meron lang daw itong concern tungkol sa visitation rights niya sa kanyang anak.

Sabi ni Atty. Kapunan, “Ang sense ko, he’s not seeing enough of his son.”

Pero naniniwala naman daw siyang maayos ‘yun dahil ang bilin daw talaga ng korte, dapat na magkakaroon ng maayos na pag-uusap sina James at Kris alang-alang sa welfare ng kanilang anak.

Kaya dapat daw sila ang mag-adjust para sa bata, hindi ‘yung si Bimby ang mag-adjust sa isyu nila.

Anway, mukhang naayos na dahil nag-post na sila nu’ng kamakalawa lang na nag-celebrate na sina James at Bimby ng Father’s Day. Kasama pa nga si Joshua sa merienda nila kaya siguro okay na nga.

Masaya naman si James na ipinost sa IG account niya ang picture nila ni Bimby na kung saan nag-merienda silang mag-ama, at meron pang gift na dalawang T-shirt sa kanya ang bagets.

Nagkaayos naman pala, pero inilabas naman muna ni Kris ‘yang tampo-tampo na isyu na ‘yan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING