Kris Aquino, umaasang magka-lovelife next year

Kris Aquino, umaasang magka-lovelife next year

4 Kris-AquinoHINDI IDINENAY ni Kris Aquino ang nauunang sinabi ni Vice Ganda sa presscon ng The Amazing Praybeyt Benjamin na may pagka-stage mother talaga si Kris Aquino sa anak niyang si Bimby na kasama niya sa pelikula. Sa presscon ni Kris para sa Feng Shui, hindi siya nahiyang kumpirmahin ang tungkol dito.

Nangingialam daw talaga siya sa syuting at sa ilang eksena ni Bimby sa Praybeyt Benjamin. In fact, tatlong beses lang daw niya itong hindi nasamahan sa set pero madalas daw na nando’n siya. May syuting si Bimby nu’ng time na nagpi-presscon si Kris kaya hindi niya ito nasamahan.

“Stage mother talaga ako kasi gusto ko talagang nababantayan siya. Saka, nanay ako, eh. Normal lang siguro sa isang nanay na bantayan ang kanyang anak, ‘di ba?” katwiran pa niya.

Wala pa ring lovelife hanggang ngayon si Kris Aquino pero baka raw next year, magkaroon na siya.

“I really cannnot ask for more. Alam n’yo naman kung ano ‘yung kulang sa akin, pero malay n’yo, baka next year kapag hindi na ako masyadong busy. Hahaha!” sabi pa niya.

Kasama ni Kris sa Feng Shui si Coco Martin at Cherrie Pie Picache under the direction of Chito Rono. Kasosyo ang K Production ni Kris sa pelikula at sumosyo naman sa kanya sina Coco at Direk Chito.

Wish ni Kris na dumoble ang perang sinosyo sa kanya ng dalawa kaya ipinagdasal niya ito kay Mama Mary.

La Boka
by Leo Bukas