KRIS AQUINO, TUMULONG NA PERO PINAGDUDUDAHAN PA

ADVERTISING

KRIS AQUINO, TUMULONG NA PERO PINAGDUDUDAHAN PA

KRIS AQUINO, TUMULONG NA PERO PINAGDUDUDAHAN PA
Kris Aquino

HINDI MO maiintindihan ang utak talangka ng karamihan sa mga Pinoy na ang tulong na ginawa ni Kris Aquino sa mga nasalanta ng baha na nasa H. Bautista Elementary School sa Marikina ay pagdududahan pa na isang photo-op (o pakitang-tao) lang ng Queen of All Media.

Sa sarili niyang kakayanan ay kumilos si Kris kasama ang kanyang  mga personal staff members at anak na mag-impake ng pwede nila dalhin at ipamigay sa mga biktima ng kalamidad.

Nakakasama nga ng loob ang mga bashings ng ilan sa ginawa ni Kris para sa mga kababayan niya.

Sa kanyang Instagram post niya ay isinulat niya na: “Hard earned money ko po ang pinambili ng dinala naming—I wanted to just express my gratitude for all our blessings. My sons & I wouldn’t have what we have kung di dahil sa love ng mga tao. GRATITUDE was my motivation.”

ADVERTISING

Pinagdudahan ng ilan ang kagandahan loob ni Kris na ang bintang sa kanya ay isa lamang daw ito palabas na may pahaging na namumulitika siya.

Unfair ito para sa magandang intensyon ni Kris na mas maagap pa na kumilos at tumulong kaysa mga pulitiko natin na natutulog pa sa panasitan na naunahan ng celebrity host na tumulong.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING