Kris Aquino, tuluyan nang umalis sa Dos

ADVERTISING

Kris Aquino, tuluyan nang umalis sa Dos

Kris Aquino
Kris Aquino

Kumpirmadona. Yes, kabilang na si Kris Aquino sa “Tres Marias” ng Triple A Talent Management na pinamumunuan ni Mr. Tony Tuviera (mas kilalasa showbiz as Mr. T), ang manager nina Marian Rivera at Maine Mendoza.

Sa tagal ng pahulaan, kinumpirma na ng isangmalapit kay Kris Aquino ang panibagong yugto sa showbiz career nietay.

Kung maaalala pa, ang daming naghihintay kung si Kris ba ay pipirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN sa kanyang muling pagbabalik showbiz after her almost three months vacation (bago mag-eleksyon at ang nanalo nga ay si President Duterte).

Sabi noon, may mga pag-uusapsi Kris sa Kapamilya Network. Inaayos na ang kontrata pero may mga kundisyones na hindi napagkasunduan na ang hinihintay ng publiko, lalo na ng mga taga-showbiz ay nabalam.

ADVERTISING

Out of the blue, sa isang social media posting na nakita namin na kuha ng kaibigan ni Krissy na si Philipp Rojas (aka Dada), nakipag-meeting si Kris kay Mr. Tuviera at sa anak nito na si Michael Tuviera.

Mula noon, nabuo ang haka-haka na hindi sa Kapamilya Network pipirma si Tetay.

Sa text message sa amin ng kaibigang Dindo Balares na close Kay Tetay, may mensahe ang Star of All Media (actually, hindi lang siya star kundi Superstar of All Media) sa kanya na ibinahagi niya sa amin: “Mr. T (Tony Tuviera) is now my lead manager, Boy (Abunda) will continue with endorsements but I’m partnering with APT for digital initiatives. I prayed long about this and my sisters and I discerned – and this felt RIGHT,” text message ni Krissy sa kaibigan.

The fact na identified si Mr.T sa Kapuso Network, siyempre sa GMA magsisimula si Kris (actually ay nagbabalik lang siya sa dating kuwadra) sa kanyang pagbabalik telebisyon.

Oks daw ang deal ni Mr. T at Kris ayon sa isang inside information na nakuha namin.

Sa mga bali-balita at kumakalat na tsika, may daily morning show si Kris (na siyang forte niya at love namin) at isang game show na naka-line-up na para sa kanya.

Yes, isang Triple A talent na si Kris at ang shows niya ay ipo-produce ni Mr. T para hindi naman daw ito dehado.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING