Kris Aquino, tuluyan nang iiwan ang showbiz ‘pag natalo ang manok ni PNoy?

ADVERTISING

Kris Aquino, tuluyan nang iiwan ang showbiz 'pag natalo ang manok ni PNoy?

Kris Aquino, tuluyan nang iiwan ang showbiz 'pag natalo ang manok ni PNoy?Huling hirit na ni Kris Aquino sa Kris TV kaninang umaga.

Yes, namaalam na si Tetay sa mga televiewers niya kaninang umaga sa pre-taped episode ng show niya na kinunan sa Tagaytay.

Noong una, nalungkot ako dahil kahit papaano si Kris Aquino, naging bahagi na ng morning routine ko na sa paggising ko nang alas-otso ng umaga ay nakatutok na ako sa morning show niya.

Mami-miss ko ang informative tips ni Kris lalo na ang food crawl nila sa kung saan-saang restaurants at café na dinadalaw niya.

ADVERTISING

Pero mas mami-miss ko ang mga nakalolokang statement ni Tetay na kapag may issue involving her, expected na may sasabihin siya na ang statement na ‘yun, headline na naman sa mga dyaryo, lalo na sa tabloid na pagpipistahan siya.

Ilang buwan lang naman ang pagbabakasyon ni Kris para mapaigi ang kalusugan niya.

Kaloka naman kasi ang blood pressure niya na kung gusto talaga niyang gumaling, bumitaw muna ang celebrity host sa showbiz at magpahinga ng 100%.

Ang tanong, makakaya kaya ni Kris ang pamamahinga nito at totally ay detached siya sa kaguluhan at mga katsismian ng showbiz?

How I wish na ma-miss ko nang todo si Tetay.

Walang pralalang balita tungkol sa mga pinaggagawa niya habang nagbabakasyon siya from her paid publicist or any tidbits and information na ipo-post niya sa kanyang social media account.

Kapag na-miss ko si Tetay to the max na news blockout sa kanya simula ngayong araw, sigurado akong naging bahagi na talaga siya sa sistema ko.

Sabi nga, Kris Aquino is Kris Aquino. Kasama na siya sa nanalaytay na dugo sa bawat Pinoy kahit baliw-baliwan man ang bunsong anak ni Ninoy.

May tanong pala ako na sa pamamaalam niya kanina, paano kung waley naging magic si Mar Roxas na manok ng Kuya PNoy niya sa darating na halalan, tuluyan na nga kaya niyang iwanan ang showbiz at hindi lang temporary vacay ang gagawin niya?

May balita kasing nakarating sa amin last week na noon pa naghahanap ng bahay na titirhan si Kris sa ibang bansa at magandang school na papasukan ng dalawa niyang mga anak kung sakaling umuwing luhaan ang Liberal Party at si Mar, mamamaalam na rin nang tuluyan dahil natalo sa laban.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING