Kris Aquino, tinupad ang promise kay Boy Abunda… isang Hummer!

ADVERTISING

Kris Aquino, tinupad ang promise kay Boy Abunda… isang Hummer!

Boy-Abunda-Kris-AquinoTINUPAD NI Kris Aquino ang kanyang promise na ginawa sa The Buzz na ibibigay niya ang kanyang Hummer kay Boy Abunda.

ADVERTISING

“Excited na ako sa gift ko sa ‘yo… Ibibigay ko na lang ang hiningi mo dati, sinabi mo ‘yung Hummer na gusto mo,” Kris said.

The Queen of Talk related that Boy once rode with her sa kanyang Hummer and asked kung ibebenta niya ito. Apparently, natanim sa utak ni Kris na gusto ni Boy ng Hummer kaya naman kinausap niya ang mga anak na sina Joshua and Bimby para tanungin ang kanilang opinion. Sumang-ayon naman kaagad ang dalawa.

Nang finally ay umapir na si Boy last Monday sa Aquino and Abunda Tonight ay sinurprise niya ang co-host nang ibigay niya ang kanyang Humemr.

ADVERTISING

“I gave Boy the Hummer tonight after A&A. Because he is my best friend, because I’m so grateful he’s alive & because I want to make him happy,” say ni Kris.

“Uulitin ko, kulang pa this gift because sobra sobra ang pagmamahal, pagtiwala at pag-aasikasong naibigay at patuloy na binibigay nya sa kin. Together w/ my brother & my 2 sons, it’s with Boy that I continue to experience the gift of true & unconditional love. I Love Ya Boy Abunda!” dagdag pa ng Queen of Talk.

Ganyan si Kris sa totoong friends niya sa showbiz, super galante.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING