Kris Aquino, tinitira na naman ng mga basher

Kris Aquino, tinitira na naman ng mga basher

Kris-AquinoKRIS AQUINO unwittingly found herself at the center of bashing when Gerphil Flores earned standing ovations in Asia’s Got Talent. Sa audition pa lang ay golden buzzer na ang ibinigay sa kanya. Sa semis ay napanganga ang mga judges sa kanyang kanta, lalo na sa kanyang Impossible Dream number sa Grand Finals ng nasabing talent show. Talagang standing ovation ang ibinigay sa kanya nina David Foster, Anggun, Vanness Wu of F4, and Melanie C of Spice Girls.

Inilaglag kasi ni Kris si Gerphil (na Fame ang ginamit na name noon) when she joined the Pilipinas Got Talent at mas pinaboran nito si Sherwin.

“I’ve always said this. In order to win your audience, you need to sing songs that your audience can identify with. You definitely have the talent, Fame, pero in this instance, I’m basing my vote on the impact na nagawa. Kasi nu;ng commercial break, si Billy and Luis kanta nang kanta. That means, may recall, na-touch ang puso nila. So ang boto ko is for you, Sherwin. Sana kantahin mo rin ang age-appropriate because you’re 19. Sana ‘yung mga kanta ni Charice.”

Bakit, Kris, kung umasta ka ba ay age-appropriate? Hindi naman, ah. Age-appropriate mo your face!!!

Anyway, hangang-hanga si David Foster kay Gerphil and he said, “I promise you, the world is gonna know about you.”

Between David and Kris, hindi hamak naman na mas maganda ang taste sa music ng una. Ang alam lang naman ni Kris ay pop music. Very limited ang kanyang music appreciation dahil hindi naman siya artist na katulad ni David.

We hope that Gerphil wins. We’re rooting for her. And if ever she wins, ‘wag siyang magpainterbyu kay Kris. Tiyak na babawi lang ang Queen of Talk at sasabihing I said that because I want to challenge you as a singer.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas