Kris Aquino, sobra ang pagka-ekladora

Kris Aquino, sobra ang pagka-ekladora

Kris Aquino With Sons Joshua and Bimby In Hawaii
Kris Aquino With Sons Joshua and Bimby In Hawaii

Ekladora talaga si Kris Aquino. Hindi talaga niya puwedeng iwanan ang showbiz at hindi niya ito matitiis.

Akala ko nga it will take time para makabalita muli ako tungkol kay Tetay mula nang umalis siya sa bansa right after na makaboto last May 9, which is almost 9 days mula nang mag-post siya with “drama” na magbabakasyon siya and we will see at makabalita sa kanya in the next three months.

Ang hitad, ‘di makatiis at heto’t nag-post ng picture sa kanyang Instagram account kasama ang dalawang anak na sina Kuya Josh at Bimby.

Akala ko nga sa Europe ang punta ni Kris Aquino tulad nang una niya naitsika. ‘Yun pala sa Hawaii lang, kung saan santambak din ang mga Pinoy.

Kaya papaano ko hahanap-hanapin si Kris kung siya mismo ay makikita ko rin pala on a regular basis sa kanyang social media account.

Ang drama kasi ng lola mo, “sign-off” na muna siya sa kaguluhan ng showbiz at magbabalik “ordinary citizen” na muna.

Pero ang ending, after 9 days, happy to see Tetay na happy sa kanyang sitwasyon sa Hawaii ngayon.

Pero sa totoo lang, mas happy ako kung bumalik siya sa show niya or magkaroon siya ng sariling talkshow na sa Hawaii isi-shoot.

Not a bad idea na ang concept ng new show ni Kris na tsika-tsika lang sila ng guest niya sa isang café or walk lang ang mga eksena niya kasama ang isang guest sa shoreline ng Waikiki Beach na no reason para mapagod siya, sa gagawin niya.

Kris, balik ka na sa telebisyon. Ikaw pa in ang Talkshow Queen.

Reyted K
By RK VillaCorta