Kris Aquino, sinunod ang boss, tinabla si Derek Ramsay

ADVERTISING

Kris Aquino, sinunod ang boss, tinabla si Derek Ramsay

Kris-Aquino-Derek-RamsayRECENTLY LANG, nakipag-meeting na sina Kris Aquino at Derek Ramsay kina Mother Lily Monteverde at anak na si Roselle para sa gagawing movie na pagtatambalan ng dalawa sa Regal Films na ididirek ni Erik Matti.

Pero kamakalawa sa Kris TV, kung saan guest ni Kristeta si Sunshine Cruz, nabanggit ang pangalan ni Direk Erik. Ayun at ipinahayag na ni Kris na nag-usap sila ni Cory Vidanes na isa sa mga bosses niya sa ABS-CBN.

Saka sinabi ni Kris: “I’m sorry, Derek. I have to obey my boss.”

Malinaw na hindi pinayagan si Kris na gawin ang movie na pagtatambalan nila ng hunk actor. Kung nagkataon siguro na joint venture ng Regal Films at Star Cinema ang naturang project na pagtatambalan nina Kris at Derek, walang magiging problema.

ADVERTISING

Samantalang pinag-uusapan na naman ang post ni Kris Aquino sa kanyang Instagram last Sunday, kung saan may binabati siyang espesyal na tao na nag-celebrate ng kaarawan.

Walang pangalan na tinutukoy ni Kris kung sino ito pero marami ang naniniwala na ang birthday message niya ay para kay Mayor Herbert Bautista dahil May 12 (kamakalawa) daw ang birthday ni Bistek.

Ang post ni Kris ay isang quote na nagsasaad ng: “I will always have this piece of my heart that smiles whenever I think about you.”

Kasama nito ang photo caption na nakasaad: “You admitted to me you still check my IG, so here’s hoping you do get to read this…You made my birthday extremely special & memorable just because you were there…I may not be around and we’ve distanced ourselves on purpose but nevertheless you do know how I continue to pray for your success, peace of mind & heart and lasting happiness..Happy Birthday! #may122014.

Kasunod nito ay nag-post muli si Kris kung saan nakalagay ang mga salitang: “I just wanted to say…Thank you.”

Ang kalakip namang photo caption nito ay nagsasaad: “For the effort, for the friendship & attention, for the intelligent, mature conversation & for being a gentleman…I couldn’t go to sleep without saying THANK YOU for making time for me today. I appreciated it very much. Good Night.”

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING