Kris Aquino, siguradong in love ‘pag nakipag-live in na sa lalaki

ADVERTISING

Kris Aquino, siguradong in love ‘pag nakipag-live in na sa lalaki

1 Kris-AquinoNAPAKASIPAG KASING magtrabaho ni Kris Aquino, kaya ang pagsemplang ng kanyang lovelife sa nakahiwalayan niyang husband na si James Yap ay hindi na talaga niya nasundan pa ng bagong kabanata ng pakikipagrelasyon. Bunso kasi si Tetay na mahilig talagang mag-appreciate ng mga guwapo. Pero hanggang doon lang naman ang kanyang kilig. Kasi nga, ang pakikipaghiwalay niya sa daddy ni Bimby Aquino Yap ang isa sa pinakamalungkot na nangyari sa kanyang pakikipagrelasyon.

ADVERTISING

Hindi naman isinusuko ni Kris ang kanyang pagnanais na sana’y mayroon pa ring isang tamang lalaking darating sa kanyang buhay. Kaya lang, sobrang busy nga ang magaling na TV host ng programang KrisTV ng ABS-CBN, kaya talagang kahit siya ay natatameme na lang minsan. Puro udlot nga kasi ang nararamdaman niyang kilig sa mga lalaking medyo humahanga siya. Takot din naman kasi ang ibang kalalakihan na ligawan siya, dahil bukod sa napakayaman niya, matalino siyang babae.

Marami lang ang naiinggit at naiinis sa istilo ni Kris. Pero ang totoo, hahangaan mo siya dahil sa maganda niyang pagdadala sa takbo ng kanyang career. Kasi nga, aminado siyang pagdating sa lovelife, sumesemplang siya lagi. Pero ang importante ay nagmamahal siya. Pagdating sa kanyang career, kahit hindi siya napakahusay na aktres ay naiangat niya ang kanyang sarili para maging box-office star. Marami ang naaartehan kay Tetay kapag mayroon siyang natitipuhang lalaki. Pero mas kapani-paniwala na in love ang mommy ni Bimby kapag nakipag-live in na siya sa isang lalaki sa mga darating na panahon.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING