Kris Aquino, si Derek Ramsay daw ang mahalaga sa kanya ngayon

ADVERTISING

Kris Aquino, si Derek Ramsay daw ang mahalaga sa kanya ngayon

Kris-AquinoSA PA-BIRTHDAY luncheon ni Quezon City Mayor Herbert Bautista last weekend sa mga taga-showbiz press na nagse-celebrate ng kanilang mga birthdays from the months of January to September para sa mga kaibigan niya, may statement si Kris Aquino para kay Mayor Bistik sa kanyang pasakalye at pasulpot-sulpot na pa-cute sa Queen of All Media.

Pakiwari ni Kris, si Mayor ang “spokeperson” niya. Sa The Buzz show niya last Sunday, wika niya: “‘Di ba, parang gustung-gusto niyang mag-opinyon para sa akin.

“Ganito kasimple ‘yun, e. If you still talk about it or if you still talk about the person, ang ibig sabihin nu’n, you still care about the person, ‘di ba?

“Pero kung hindi mo na siya pag-uusapan, hahayaan mo na lang. Ibig sabihin nu’n, naka-move on ka na.”

ADVERTISING

Say ng co-host niyang si Toni (si Kuya Boy Abunda ay naka-sick leave pa rin as of Sunday), “Hindi pa siya nakaka-move on? He still cares about you?”

Straight forward na sagot ni Tetay sa tanong ni Toni sa kanya: “Yes, I think so! But I’m proud to say, I’ve moved on. Kasi, kung ano ang mahalaga sa akin, ‘yun ang pag-uusapan ko ngayon. Ang mahalaga sa akin is si Derek Ramsay.”

Last Monday evening, dahil hindi pa p’wedeng mag-trabaho si Kuya Boy, special guest naman ni Tetay sa Aquino and Abunda Tonite ang PBB All In Winner na si Daniel Matsunaga na minsan ay na-link din sa kanya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING