Kris Aquino, rumesbak kay Jomari Yllana

Kris Aquino, rumesbak kay Jomari Yllana

Kris-Aquino-Jomari-YllanaANG HULING alam namin ay nag-text ng kilometric lines si Mareng Kris Aquino kay Jomari Yllana para sabihin dito na sumama ang loob ng TV host matapos nitong sabihan ang kanyang kapatid na si PNoy ng “pinakatangang presidente” kaugnay sa diumano’y kapalpakan ng operasyon ng mga sundalo sa Mamasapano incident na ikinasawi ng 44 SAF ng PNP.

Magkumpare sina Kris at Jom, dahil inaanak ni Kris si Andre na only child nila ni Aiko Melendez.

Ang naturang text message ay ewan kung nasagot na ni Jom, pero may nakapagsabi sa amin na nabasa ni Jom ito, pero hindi na nireplayan si Kris, dahil katwiran ng aktor, “Hindi lang kami lalo magkakaintindihan.”

Well, I hope magkaayos na sila, lalo na ngayong si Kris ay nasa height ng pagiging Ms. Amity at ayaw ng kaaway.

Samantala, marami ring bashers si Jomari mula nang ito na ang pinakamalupit na nag-opinyon sa pamamahala ni PNoy.

May mga nagsasabi rin ng masasakit na salita kay Jom, kaya nga sa loob-loob namin, talagang ang lahat ng netizens ay may kani-kaniya nang opinyon ngayon na hindi mo pwedeng tawaran.

May nabasa pa nga kaming comment na, “So, ano ba ang pinakamatalino mong nagawang desisyon sa buhay?”

Pati pagkawala ng career ng aktor ay nadawit din. At ‘yung isa’y nag-comment pa ng, “Ingatan sana ni Jomari na magkaroon siya ng issue in the future, kasi ‘pag nadawit siya sa isyu, baka ibalik sa kanya ng mga tao ang sinabi niya kay PNoy.”

Oh My G!
by Ogie Diaz