Kris Aquino, quiet na lang daw sa pagbubuntis ng girlfriend ni James Yap

Kris Aquino, quiet na lang daw sa pagbubuntis ng girlfriend ni James Yap

Kris Aquino, quiet na lang daw sa pagbubuntis ng girlfriend ni James YapBongga ang lahi ng PBA cager na si James Yap dahil masusundan na ang anak na si Bimby sa pagbubuntis ng Italian girlfriend niya na si Michela Cazzola who is almost four months nang preggy.

Usap-usapan ngayon sa social media at sa showbiz na rin ang pagbubuntis ng girlfriend nang maisulat ito ni Tito Ricky Lo sa kanyang column sa Philippine Star last Saturday.

Ang pagbubuntis ni Michela ay pangatlong anak ito ni James Yap na bukod kay Bimby (anak nila ni Kris Aquino), may isa pang anak ang basketbolista mula sa isang non-showbiz girl.

Ewan ko kung ano ang magiging reaction ng anak niyang si Bimby na magkakaroon siya ng bagong kapatid. Pero sa kanyang Instagram account, nag-post na si Kris at slightly ay may comment na ito sa isyu tungkol sa pagbubuntis ng current girlfriend ng kanyang ex-husband.

To quote Tetay sa kanyang IG posting: “Our baby will always have 100% of my heart & Kuya’s heart… P.S. I read some of your comments; the proper thing for me to do is just keep quiet. Bimb’s okay & that’s what matters to me…” na sa madaling salita, tapos ang usapan para sa kasiyahan ng lahat.

Reyted K
By RK VillaCorta