Kris Aquino, product endorser na rin ang alagang aso

Kris Aquino, product endorser na rin ang alagang aso

Kris-AquinoKUNG SUPERSTAR si Kris Aquino pagdating sa mga product endorsement, huwag na kayong magulat dahil ang aso niya na si Prada na bigay ni Derek Ramsay sa panahon na ang aktor-aktoran na idinadaan ang acting sa pagkunot ng noon ang siyang favorite ng Queen of All Media, talbog tayo ng aso dahil makikilala na rin ito as the “Dog of All Media”. Siyempre, aso ng isang Kris Aquino, for sure sikat. Celebrity dog si Prada.

Isang Bichon Frise ang breed ng aso na iniregalo ni Derek kay Tetay last year na trending topic pa silang dalawa.

May pabitin na tsika si Tetay tungkol sa kanyang aso, na ayon sa kanya ay malapit nang simulan ang product endorsement ng aso na solo ang aso. In short, si Prada ang major model at hindi ka-join si Kris or even ang dalawang anak nina na sina Bimby at Kuya Josh sa TVC ni Prada. Talbog!

Reyted K
By RK VillaCorta