Kris Aquino, pipilitin daw na ‘di na pag-usapan ang kanyang mga ex

ADVERTISING

Kris Aquino, pipilitin daw na ‘di na pag-usapan ang kanyang mga exKris Aquino, pipilitin daw na ‘di na pag-usapan ang kanyang mga exMALAPIT NA ang birthday ni Kris Aquino at sa Twitter ay kung anu-anong tanong ang pinasasagot sa kanya.

Apparently, someone tweeted what her birthday resolution is. Not surprisingly, ang kanyang pananahimik regarding her exes and kanyang pipiliting gawin. A few weeks ago ay napikon si Kris when a fan of her ex-husband said she was a pabayang ina.

At pipilitin na rin niyang iwasan ang magbanggit ng kanyang crushes. Isang chef ang inamin ni Kris na crush niya. Nag-guest pa nga ang chef sa kanyang show.

“I see more than 100 questions left but I need to get ready for work. My birthday resolution, no references to any exes because I just want to stay peaceful… also no names na lang sa crush or kilig – if it ever develops okay, pero since status quo lang quiet na lang,” sabi ni Kris.

But knowing her, tiyak na hindi niya mapaninindigan ang kanyang promise. Wanna bet?

ADVERTISING

 

SI CRISTINE Reyes pala ang may gusto na ilihim muna nila ni Rayver Cruz ang kanilang break-up.

Kahit na hiwalay na sila noong November pa ay pilit na pinaniwala ng dalawa na mag-on pa sila. At ito namang si Rayver, sa sobrang pagmamahal sa dalaga ay pumayag na maging secret ang kanilang separation.

At noong kumalat na nakikita na si Cristine na kasama si Derek ay ito na rin ang nagpasyang lumantad silang magdyowa para aminin na hiwalay na sila last year pa.

Nakakaloka lang na last minute ay napatawag si Cristine sa The Buzz para sabihing aapir silang dalawa ni Rayver para umaming hiwalay na.

 

TONIGHT NA ang paglabas ni Bong Revilla sa Indio.Tiyak na inaabangan ang kanyang pag-apir finally sa soap opera na first time niyang ginawa in his entire career. Makikita na rin finally ng madla si Bong bilang si Indio matapos na lumaki na ito. Si Alden Richards ang gumanap na binatang Indio.

Super proud si Bong sa kanyang una and hopefully hindi huling teleserye. Nag-workshop pa nga siya rito, bagay na hindi niya normal na ginagawa.

Ang kagandahan pa sa Indio, nakagawa si Bong ng action scenes. Tiyak kasing nami-miss niya ang action routines dahil hindi na uso ang action movies ngayon.

 

BIGLANG UMEPAL ang manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila after Patrick Garcia admitted na masama ang loob sa kanya ng ina ni Alex Jazz.

Patrick was brave enough kasi na aminin sa presscon ng Apoy Sa Dagat na hindi siya naiintindihan ni Jen kapag hindi siya kaagad nakapagbibigay ng sustento sa kanilang anak. And to probably spite him, hindi ipinapakita ni Jen kay Patrick si Alex Jazz.

Apparently, Patrick’s statement did not sit well with Becky who said na Jen and Patrick should settle the sustento issue privately.

“Whatever personal conflicts or financial issues you may have with Jennylyn, it should be discussed in private for Jazz’s sake,” Becky said in her statement.

“It doesn’t matter how much financial assistance you give to your child and how easy it is for you and your mom to flaunt it in public because, by the end of the day, what is most important is the quality of relationship you have with your child, and that starts with giving respect to the mother of your son who by the way is trying her very best to raise your son in a healthy environment despite the negative effects of your publicized comments,” dagdag pa niya.

Beacky, paano naman magkakaroon ng QUALITY RELATIONSHIP ang actor sa kanyang anak kung pinagbabawalan ni Jen na makita ni Patrick si Alex Jazz?

We are wondering kung bakit gustong patahimikin ni Becky si Patrick? Who is she to say na dapat ay hindi na nagsalita si Patrick?

Actually, bilib kami kay Patrick dahil he was honest enough to admit na minsan ay ‘di siya nakakapagbigay ng sustento sa kanyang anak.

Lex Chika

by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING