Kris Aquino, pinatanggal sa PBB ang anak ni Ai-Ai delas Alas?

ADVERTISING

Kris Aquino, pinatanggal sa PBB ang anak ni Ai-Ai delas Alas?

Kris-Aquino-Ai-Ai-Del-AlasLUMABAS NA ang tunay na kulay ni Kris Aquino. Ayaw niyang tantanan si Ai-Ai Delas Alas, kaliwa’t kanan ang banat ng grupo ng Queen of All Media sa dati niyang BFF. Pero hugas-kamay ito, parang walang siyang alam sa pangyayari tungkol sa mga negative issue na naglalabasan laban kay Ai-Ai.

May tsika nga, maging ang anak ng komedyana na sumali sa Pinoy Big Brother, pinatanggal diumano ni Kristeta. Sobra raw dinamdam ng bata ang pangyayari ‘yun. Sinabihan na sila ng staff ng PBB na pasok ang anak niya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, biglang may tumawag kay Ai-Ai at nagso-sorry, hindi na kasali ang anak niya sa napiling papasok sa bahay ni Kuya.

Natural, awang-awa si Ai-Ai sa kanyang anak. Kahit ayaw magbanggit ng pangalan si Ai-Ai, marami ang nakaaalam kung sino ang may kagagawan nito. Ngayon pang open in public ang awayan ng dalawa. Sino pa nga ba ang pagbibintangang salarin?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING
ADVERTISING