Kris Aquino, pinangungunahan na naman ang resulta ng MMFF?!

ADVERTISING

Kris Aquino, pinangungunahan na naman ang resulta ng MMFF?!

Kris Aquino, pinangungunahan na naman ang resulta ng MMFF?!

ADVERTISING

AWARE NAMAN si Kris Aquino na marami ang nawiwindang kapag nagsalita siya, na kapag mayroon siyang movie na kasali sa Metro Manila Film Festival ay dapat na pumatok iyon nang todo-todo sa takilya. Ganu’n naman kasi ang ugali ni Tetay kapag mayroon siyang isinusugal sa negosyo o kasali ang kanyang sarili, na positibo niyang iniisip at sinasabi na gusto niyang magkaroon ng magandang resulta ang kanyang mga pinaghirapan, pelikula man, teleserye o pagsosyo sa business.

Aminado rin si Kris, na bata pa siya ay ugali na niya talaga ang mag-wish ng mga bagay na makapagpapasaya sa kanya na talagang magpapatalon sa sobrang tuwa. Maraming beses na raw naranasan ni Tetay ang magkaroon ng mga proyektong hindi malakas sa takilya, at hindi lang daw siya ang nalungkot, kundi maging ang kanyang mga producer. Pero kapag daw patok sa takilya ang kanyang mga pelikula ay alam niyang mas marami ang nakikinabang at sobrang masaya.

Ipinagmamalaki ni Kris na kapag mayroon siyang pelikula na isasali sa MMFF, kasali siya sa nag-iisip kung papaano iyon mapagaganda at panonoorin ng publiko, at ilang ulit na nga niyang napatunayan iyon. Ngayon pa lang, positibo na ulit niyang ipinagdarasal at ipinangangalandakan ang kanyang wish na mag-number one sa takilya ang kanyang movie kung ipagkakaloob sa kanya ang kaganapan noon. Hayan nga, iniintriga na naman siya na nanghuhula na naman ng resulta sa takilya. Pero deadma pa rin ang sikat na TV host, dahil iyon talaga ang wish niya para sa kanyang pelikula.

ADVERTISING

 

HANGGANG NGAYON naman talaga, marami pa ring tao sa loob at labas ng showbiz ang nakaka-miss sa dating Rustom Padilla na ngayon ay nagladlad na bilang si BB Gandanghari. Kahit ano pa ang nangyari sa lovelife at iba pang kontrobersiya na naranasan ni Rustom bago dumating ang kanyang pag-amin sa Pinoy Big Brother na siya ay isang bading, marami talagang nagmamahal sa utol ni Robin Padilla, dahil nu’ng siya pa si Rustom ay mapakisama siyang tao. Gentleman talaga ang dating.

Kaya nga, kauna-unawa ang pagnanais ni Mommy Eva Cariño Padilla, na sana raw ay muli niyang makita ang kanyang anak bilang si Rustom. Malungkot kasi talaga para kay Mommy Eva ang mga nangyari, dahil wala siyang magawa ngayon kundi dahil anak niya ang nagpapakilalang si BB ay intindihin na lang ang sitwasyon ng ex-husband ni Carmina Villaroel.  Bakit naman nga hindi? Isang mabuting anak si Rustom nu’ng nagpapakitang-gilas pa siya bilang lalaki.

Mahirap ang magtakwil ng kadugo. Hindi naman kriminal si BB para kamuhian ng kanyang mga kaanak. Pero ayaw ni Mommy Eva na laging laliman ang kuwento kapag tinatanong ang sitwasyon ng kanilang pamilya tungkol sa buong pagtanggap kay BB bilang siya. Pang-unawa lang kasi at pag-intindi ang nasa puso nila ngayon. Kahit naman kasi si Robin ay ikinalulungkot pa rin na hindi na nila nakakasama ang dating Rustom.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING