Kris Aquino, pinakyaw ang VIP seats sa concert nina Erik Santos at Angeline Quinto?

Kris-AquinoAWARE NAMAN pala si Erik Santos na pinag-uusapan na siya ay isang bakla. Pero laging sinasabi ni Erik na higit kanino man, siya ang nakaaalam kung ano ang kanyang gender.

Tinanong din ng press si Angeline Quinto na super close ngayon kay Erik kung totoo ang balitang bakla ang matalik na kaibigan?

“I believe him. He is my best friend. Para sa akin, siya na ang pinaka-gentle and kind na puwedeng maging kaibigang lalaki,” mabilis na sagot ni Angeline

Samantala, malamang ma napuno ang VIP seats sa concert nina Erik Santos at Angeline Quinto sa Araneta Coliseum, dahil binili raw ni Kris Aquino ang ticket ng nasabing concert ng dalawa. Pinakyaw daw ni Kris ang mga VIP tickets ng concert.

Ipinost kasi ni Kris sa kanyang Instagram wall ang halos hindi mabilang na piraso ng tickets para sa concert. Ang red and green VIP seats ang pinakyaw ni Kris. Wala lang kaming idea kung kanino ibinigay ng actress/ TV host/ producer ang sangkatutak na tickets ng concert.

Ang suportang ito ni Kris sa concert nina Erik at Angeline ay pagpapatunay ng pagmamahal niya sa dalawa. Natural na ikinatuwa ng dalawa ang ginawang suporta sa kanilang concert ni Kris.

Nasabi na lang ni Erik,” Wooooow! Maraming salamat Ate sa suporta at pagmamahal?”

Ugali na ni Kris na tulungan ang mga kaibigang artist sa kanilang concert. Nagkataon na may concert ang kaibigan niyang sina Angeline at Erik.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleXian Lim, pinaghandaan ang bagong look para sa serye nila ni Kim Chiu
Next articlePast Issue Pinoy Parazzi Vol 8 Issue 100 August 17 – 18, 2015

No posts to display