Kris Aquino, pinagtawan ang hulang magiging dyowa si Coco Martin

Kris Aquino, pinagtawan ang hulang magiging dyowa si Coco Martin

Kris-Aquino-Coco-MartinKRIS AQUINO revealed why she teamed up with Coco Martin in Feng Shui 2 na isa sa entries sa Metro Manila Film Festival.

“This came about because of his presscon for Juan dela Cruz. Sinabi ni Coco na kung meron daw siyang gustong gawin na movie in the future it would be a horror movie. Sinabi niya roon sa presscon niya, ang all-time favorite horror movie niya is Feng Shui. Nabalitaan ko ‘yon and then I called up Biboy (Arboleda, Coco’s manager) and asked him, “Biboy, was he serious or pang promo lang ‘yan?’ Kasi parang maganda ang timing. Because if ever we’ll do it, it will show ten years. Tapos, Direk, tinawagan kita. Kati-katera lang ako, not realizing na hindi naman ako ang may-ari ng rights. Sabi ko, ‘Direk, ano? What’s your take?’” kuwento ni Kris.

“Honestly this would not have happened had Coco not had that thank you presscon sa Juan dela Cruz, kung hindi niya binanggit na paborito niya ang Feng Shui, at hindi ko natawagan si Direk Chito at si Direk Chito naman ay na-excite,” dagdag pa niya.

No, walang romantic angle sa kanila ni Coco sa movie. Pinagtawanan din ni Kris ang hulang magiging magdyowa sila ni Coco. Ang lakas ng tawa niya sa hulang ‘yon na nangyari four years ago.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas