Kris Aquino, pinagtatakpan ang kontrobersyal na ‘chopper ride’ sa pamamagitan ng kidnap plot?

Kris Aquino
Kris Aquino

Nakagugulat ang pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino sa official statement mula sa Malacañang na inilabas noong Miyerkules, April 27, kung saan sinabi ng pangulo na plano ang Abu Sayyaf group na kidnapin si Kris Aquino at ang mga anak niya, gayundin ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Ito ay para raw puwersahin ang gobyerno na pakawalan ang mga nahuling miyembro ng bandidong grupo.

Si Manny, nagulat din sa biglang paglabas ng nasabing ‘intelligence report’. Paano ba naman kasi, nalaman lang niya ang tungkol dito noong inanunsiyo ni PNoy.

Sa interview sa senotoriable, kinuwestiyon niya ang biglaang pag-anunsiyo ni PNoy sa publiko tungkol sa sensitibong isyu na ito. Aniya, “If it came from an intelligence report, it should have been kept secret and need not be announced. And why just now? We have to study this.”

Habang si Kris, inamin sa entertainment reporter na si Marinel Cruz ng Philippine Daily Inquirer na alam niya ang bantang kidnapping ng Abu Sayyaf sa kanya at sa kanyang mga anak, “late February, early March” pa.

Isa rin daw ito sa dahilan kung bakit hindi na siya nag-renew ng kanyang kontrata sa ABS-CBN. Ipinaalaam din daw niya sa mga boss at mga katrabaho sa ABS-CBN ang tungkol sa planong pagdukot sa kanila ng Abu Sayyaf, at nagpapasalamat siya na naging tikom ang bibig ng mga ito bilang respeto at proteksiyon na rin sa kanya.

Ayon sa ilang netizen, perfect alibi nga naman itong kidnapping plot para sa paggamit ng chopper kaysa sa pagiging ‘biggest taxpayer’.

Hindi pa rin kasi tinatantanan si Kris Aquino ng bashers sa paggamit ng resources ng gobyerno para ikampanya si Mar Roxas sa Cebu.

Ang tanong lang, bakit pati si Manny ‘isama’ sa plot? Para maging mas kapani-paniwala ang ‘alibi’?

Parang hindi rin, eh. Kung si Kris kasi, nasabihan at na-warning-an, bakit si Manny, hindi.

Sabi pa nga ni Manny, hindi niya raw lubos na maisip ang banta ng Abu Sayyaf, dahil malapit naman daw siya sa mga kapatid na Muslim.

Kaya naman dahil sa ‘kidnap plot’ na ‘yan, may dahilan na lalo si Kris para sumakay ng presidential chopper para ikampanya si Roxas, ‘di ba?

By Parazzi Boy