Kris Aquino, pinagpiyestahan ang boobs sa social media

ADVERTISING

Kris Aquino, pinagpiyestahan ang boobs sa social media

Kris-AquinoPINAGPIPIYESTAHAN NGAYON sa social media at sa Facebook ang halos lumuwang boobs ni Kris Aquino. Pinatulan ng netizens ang paglabas ng cleavage ni Kris sa suot nitong plunging neckline sa TV show nila ni Boy Abunda na Abunda & Aquino Tonight.

Pero tila ‘di naman aware si Kris na lumuluwa ang kanyang dibdib dahil nasa kalagitnaan siya ng kanyang komentaryo at tila ‘di naman nito intensyon na ipasilip ang kanyang dibdib para lang masabi na super seksi pa rin siya hanggang ngayon.

Marami ang humanga sa kaseksihan ngayon ni Kris dahil ‘di nila alam na mayroon palang malusog na dibdib ang TV host/actress.

Kung hindi kami nagkakamali, isa sa mga frustration ni Kris noon ay kawalan ng matambok na dibdib. Pero nang magkaanak siya at medyo tumaba nang kaunti ay biglang lumusog ang kanyang dibdib.

ADVERTISING

May tsismis naman noon na nagpa-enchance daw si Kris na wala namang nagpatunay.

Mayroon namang nag-comment na dahilan daw ng pagpapaseksi ni Kris ay dahil kay Derek Ramsay na itinanggi naman kaagad nina Kris at Derek ang isyu na mayroon silang itinatagong relasyon.

Speaking of Derek, si Kris daw diumano ang tinutukoy ng abogado ng ex-wife ng una na si Mary Christine Jolly na siya diumanong influential person na nagmamaniobra sa court proceeding ng kasong isinampa ng huli laban kay Derek.

Hindi diretsahang tinukoy ng mga abogado ni Mary Christine, pero para raw ito ang puntirya ng kanilang akusasyon dahil sa pagiging malapit sa isa’t isa nina Kris at Derek. Ililipat na lang daw ang kanilang kaso sa DOJ para hindi ito mapakialaman ng sinasabing influential person close kay Derek.

Sa grand launching ng Amazing Race Philippines Season 2, hosted by Derek, sinabi ng actor na ilalaban na niya ang karapatan niya sa anak kung sakaling hindi sila magkaroon ng amicable settlement sa labas ng korte ng ex-wife.

Samantalang, pinagbawalan ni Bimby si Kris na magkaroon ng boyfriend. Ayaw na raw kasi ng anak nila ni James Yap na masaktan at magkaroon naman ng sakit ng ulo ang ina.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING