Kris Aquino, pinaglaruan na naman sa social media

ADVERTISING

Kris Aquino, pinaglaruan na naman sa social media

Kris Aquino
Kris Aquino

Kaloka! si Kris Aquino ba yong nasa picture na nagkalat sa social media last weekend?

Isang Tetay na walang make-up (or baka may mga taong galit lang talaga sa kanya na binalahura ang celebrity host at pinaglaruan nila?).

Last week kasi bago dumating ang Friday, may lumabas na balitang uuwi si Kris Aquino sa Plipinas para makipagtagpo sa kaibigan niyang si Boy Abunda (manager na rin yata niya), para isang mahalagang meeting nilang dalawa sa mga ABS-CBN big bosses para sa kanyang magiging shows sa Kapamilya Network.

Noong umalis kasi si Tetay for a longer vacay (3 months ‘yun kung tama ang alaala ko); pagkatapos ng election last May 9, hindi nag-renew ng kanyang contract sa Kapamilya Network si Kris.

ADVERTISING

Sa katunayan, sa Hawaii na kanyang paboritong destinasyon para roon mag-rest na siyang unang leg ng kanyang bakasyon, sinundan niya ito ng kanyang posting sa kanyang social media account na nasa Disneyland siya with her two kids. Sa last posting niya, hindi siya nakasama kina Bimby at Kuya Josh dahil hinihika siya and at the same time ay pumalo nang mataas ang kanyang BP which is delikado para sa kalusugan ni Tetay.

Last weekend, wala akong nahagip na balita na natuloy si Tetay sa pagbabalik-Pilipinas niya sa “tsika” na may meeting sila ni Kuya Boy.

Sa pagkakaalam ko, Kuya Boy was in Davao to attend a wedding.

Pero as scheduled, after June 30 pa talaga ang balik ni Kris para naman asikasuhin ang pagbabalik eskuwela ni Bimby sa August.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING