Kris Aquino, pinagdudahang ‘pakana’ lang ang isyu ng paglipat

ADVERTISING

Kris Aquino, pinagdudahang ‘pakana’ lang ang isyu ng paglipat

Kris-AquinoMARAMI ANG natuwa sa naging desisyon ni Kris Aquino na manatiling Kapamilya. Sa mga comment na nababasa namin ay halos lahat, bumilib sa naging desisyon ni Kris. ‘Yung iba’y hindi maiiwasang magduda na baka “pakawala” lang ni Mareng Kris ang isyung siya’y lilipat na sa kabilang network para tumaas pa ang offer ng ABS-CBN.

Pero sa totoo lang, kahit nga ke Sarah Geronimo, nakaabang lang ang TV5, eh. Pero ayon nga sa aming source, “Masaya pa kasi si Sarah being a Kapamilya, kaya ‘yun din ang kino-consider ng manager niya.”

Gano’n lang ‘yon.

Actually, kung ang naging desisyon ni Kris ay ang lumipat ng ibang istasyon eh, diskarte lang din niya ‘yon. Ang importante naman, ‘pag nagdedesisyon ka, dapat, ang itanong mo sa sarili mo ay “magiging masaya ba ako sa desisyon ko?” ‘Yun ang dapat ang i-consider mo.

ADVERTISING

Mahirap din kung puro pera ang paiiralin. Tapos, panibagong pakikisama na naman sa mga staff.

Kami nga, inaalok din ng “malaking tao” na lumipat na sa TV5 at gagawan daw niya talaga ng paraan. Basta siya raw ang agent namin.

Ang sabi ko naman, “Masaya pa kasi ako sa ABS-CBN, eh. Saka na ‘pag ayaw na nila sa akin. “

Kasi, ang katwiran namin: ‘pag ayaw na sa amin, maluwag sa dibdib na hahanap kami ng ibang magtitiwala uli. Ang importante, hindi namin sinusunog ang tulay. Kasi nga, maliit lang naman ang mundo natin, magbabaon pa ba tayo ng sama ng loob at poot sa dibdib?

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING