Kris Aquino, pinagdamutan si Boy Abunda?! – Tita Swarding

ADVERTISING

Kris Aquino, pinagdamutan si Boy Abunda?! - Tita Swarding

Kris Aquino, pinagdamutan si Boy Abunda?! - Tita SwardingOLA CHIKKA! MARAMI ang hindi nagkagusto sa ipinakitang ugali ng TV host/ actress na si Kris Aquino nu’ng isang gabi sa programa nila ni Boy Abunda na SNN. Kahit gabing-gabi na ay tumatawag sa ‘kin ‘yung iba at kinabukasan, ‘pag open ko ng aking e-mail, sangkaterba na ang nagpadala ng kanilang komento.

ADVERTISING

Halos iisa lang ang kanilang mensahe na hindi nila nagustuhan ang ugali ni Kristeta. Bukdo sa taklesa ay madamot umano ito, huh! Nangyari ang pagdadamot ni Kris kay Boy nang hilingin ng huli sa una na kung maaari niyang mahawakan kahit sandali ang nakuha nitong tropeo mula sa Anak TV Awards.

Kahit idinuldol na ni Boy ang kanyang kamay para lang mahawakan ang tropeo, inilayo pa rin iyon ni Kris, sabay sabing, “Sorry Boy, hindi puwede!”

Kaya makikita sa mata ni Boy ang pagkadismaya, ngunit nangibabaw pa rin ang pagiging kaibigan nito. Kaya okay lang kay Boy ang nangyari.

ADVERTISING

Ang nakakaloka lang ay kung wala pang nag-text kay Kris na mataas na opisyal ng ABS-CBN, hindi pa nito pahahawakan kay Boy ang nakuhang award.

Naku, Kris, huh! Marami ang hindi nagkagusto sa ipinakita mo. Alalahanin mo, iniidolo ka ng kabtaaan, kaya ka binigyan ng ganyang award. Payong lola ‘yan. ‘Yun na!

SCRIPTED ANG LAHAT ng ipinalabas ng kampo ni Krista Ranillo.

‘Yan ang chikka ng malapit na kaibigan ni Krista sa lola n’yo, huh! Dahil sa matagal nang nakuwi si Krista sa bansa, at pinalabas nilang kailan lang ito umuwi sa bansa at todo-guwardiyado pa raw. Hmmm… echos, huh! Kinuntsaba nga raw ang lahat para palabasin ang ganu’n kabonggang pag-uwi ni Krista.

Ang nakakaloka lang, pinalabas pa nilang nalusutan ang media, eh, halos lahat ng kamera at mata ng ilang press na nag-aabang sa lahat ng puwedeng daan nito. Kalerke, ha?!

‘Eto pa ang dagdag na chikka. Hindi raw itinuloy ni Manny Pacquiao ang pagbibigay ng $2-M kay Krista dahil naharang daw ito agad ng asawa nitong si Jinkee.

Kaya ang nasabing $2-M na lang daw ang ipinambili ni Manny ng diamond ring para sa asawa at isang bonggang tindahan ng mga collection ni Manny Pacquiao sa isang mall sa Manila. Kelerke, ha?! ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING