Kris Aquino, pigil sa pagsi-share ng lovelife

Kris Aquino, pigil sa pagsi-share ng lovelife

3 Kris-AquinoLAUGH TRIP si Kris Aquino nang maalala ang isyu na mabubuntis siya ng co-star niyang si Coco Martin dahil sa isang hula-hula ng isang manghuhula na nanghula sa kanya named Robert. Hot item kasi si Coco noong mga panahon na ‘yun kaya siguro sinakyan ng mahuhula.

Kuwento ni Kris sa press launch ng MMFF 2014 entry niya na Feng Shui with Coco under the direction of Chito Roño, “Ini-insist niya sa akin ‘yun… he’s so weird! Nawala na si Robert. Hindi na namin siya iginuest.”

Out of the blue na lang kasi, biglang lumabas sa hula na ang dalawa (Kris at Coco) ay magkakaroon ng relasyon at mauuwi sa “buntisan”.

Pero dumaan ang tatlong taon, waley naganap. Yes, may nabuo nga sa dalawa, hindi sanggol kundi itong Feng Shui na matagal na palang pangarap ng aktor na makagawa ng isang horror movie.

Noong araw na ‘yun, pretty si Tetay. Marami ang nakapanin. Glowing siya, ‘yun ang puna namin. Iba ang kislp ng mga mata niya. Ang kutis niya tulad ng dati, mamula-mula. Makinis pa rin. Alam mong sapat sa tulog at walang dinadalang problema.

In love siguro. May minamahal si Kris kaya iba ang itsura. Mas maganda. Good mood. Positive vibes. Nang tanungin kung kumusta ang lovelife niya, ngumiti ang si Kris. Tila pigil sa sarili. Ang basa ko, may binubuong pag-ibig si Kris na hindi alam ng media. Ayaw lang niyang madiskaril tulad ng dati na dahil sa sobrang excitement, ibubuhos niyang bigla.

This time, pigil siyang i-share ang tunay na nararamdman. “Darating din ang time na hindi na ganito ang trabaho ko (showbiz); baka puwede nang pagtuunan ko na ng panahon ang pag-ibig.”

Pero may nakapagbulong sa amin, nangako raw si Kris sa kapareha niya na never na siyang magkukuwento tungkol sa kanyang lovelife na most of the time ay nasasabit, nadidiskaril lalo pa’t pinagpipistahan ng press everytime may lalaking may gusto sa kanya at gusto siyang mahalin.

Reyted K
By RK VillaCorta