Kris Aquino, pati aso pinatulan

ADVERTISING

Kris Aquino, pati aso pinatulan

Kris-AquinoKALOKA SI Kris Aquino, pati aso pinapatulan. Kasi naman, ‘yung white puppy na ibinigay sa kanya ni Derek Ramsay ay umihi sa kanilang kama. Sa inis ni Kris, pinagbantaan niya ang aso na isosoli kay Derek. Kaya lang, hindi naman pumayag ang anak niyang si Bimby.

“Last night, Prada was naughty again, he peed on our bed, you can see in this pic that our duvet is gone because they had to replace it. Saturday naman he peed on our living room sofa. I was scolding Prada & telling him if he doesn’t behave we’re giving him back to @ramsayderek11. Bimb gently reminded me, “Mama, we love Prada, he’s our baby. He deserves another chance. He’ll learn his lesson.” Hence, this picture of Bimb & a cutie pie, well behaved Prada. And a 43 year old mother just gained so much wisdom from her 7 year old son. #lovedoesnotkeeptrackofwrongs #lovecangiveanotherchance,” caption ni Kris sa picture ni bimby at Prada na ipinost niya.

We don’t think that Kris will be able to make soli Prada to Derek. Siyempre, ibinigay ‘yon sa kanya ng hunk actor, ‘no, kaya hindi niya iyon kailanman isosoli. Nagdadrama lang siya, nagpapansin. Alam n’yo naman si Kris.

Isa pang nakakaloka ay ang recent statement ni Kris na hindi pa nakaka-move on itong si Mayor Herbert Bautista sa break up nila.

ADVERTISING

“I have a spokesperson si Mayor Bautista. Gustong gusto niyang mag-opinion para sa akin. Ganito kasi kasimple ‘yun, eh. If you still talk about it or if you still talk about the person, ang ibig sabihin nu’n you still care about that person,  ‘di ba? Pero kung hindi mo na siya pag-uusapan, hahayaan mo na lang, ibig sabihin nu’n nag-move on na siya,” say ni Kris.

“But I’m proud to say I’ve moved on… Ako sinasabihan niyo na madaldal, walang pribado. Nanahimik na ako eh. Nag-move on na ako. Sana ‘yung ibang tao kayanin ding gawin ‘yun dahil marami namang responsibilidad sa trabaho niya. Huwag na makialam sa buhay ko,” dagdag pa niya.

Nagpatutsada si Kris kay Bistek nang mag-guest ito sa evening show niya by saying, “hindi nanakikit ng tao si mayor, damdamin lang.” Ikaw ang hindi maka-move on, Kris, aminin mo na.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING