Kris Aquino, parang pinupunit na yero ang boses sa pelikula

Kris-AquinoINAYA KO last Friday evening ang isang lalaking kaibigan na manood ng Etiquette for Mistresses. Inaabangan ko kasi na every Wednesday is my movie day dahil araw ng palitan ng mga pelikula. Pero dahil ang daming tao noong opening day para mapanood ko ang obra ni Direk Chito Roño, ‘di na ako nanood at nakipila at mahihirapan ako.

Pero noong Friday at maaga akong nasa mall, sabi ko sa sarili ko, dapat mapanood ko na ang pelikula na pinag-uusapan nila. Inaya ko ang isang kaibigang lalaki na manood kami. Ayaw niya at “baduy” raw. Ang gusto, ‘yong English movie na The Martian. Kaso 9:30 pm pa ang screening and might as well na hindi masaya ang waiting time namin, hayun napapayag ko rin siya na i-appreciate ang sinasabi niyang “baduy” at saka namin panoorin ang pelikula ni Matt Damon pagkatapos naming panoorin ang pelikula tungkol sa kuwento ng apat na mga kabit. Pero si mokong na-enjoy niya ang pelikiula. “May aral naman pala. Parang kuwento ng kaibigan ko na nasa Saudi na may kinakasama noon na ‘yong tunay niyang asawa na hindi sila nagkaanak, nagkahiwalay sila. Ayaw kong mangyari ‘yun sa pamilya ko,” komentaryo niya.

We like the film. Simple ang pagkalahad ng kuwento na portion by portion, ang mga rules ng pagiging kerida ay isinasalarawan based sa mga pangyayari sa buhay ng mga kerida sa pelikula nina Kris Aquino, Kim Chiu, Iza Calzado, Cheena Crab, at ang nagbabalik na si Claudine Barretto.

Oks ang movie sa amin. No wonder karamihan sa mga manonood ng pelikula ay mga babae na kung hindi man mga magkakabarkadang mga girls (21 and above market), mga mister nila or boyfriend ang kasama.

Komentaryo nga ng kasama naming lalaki that evening, “Puro mga babae ang nanonood. Ilan kaya sa kanila riyan ang mga mistress? Sino kaya ang mga legal wife sa nakapila ang may problema sa mister nila dahil nangangaliwa?”

Magaling si Claudine kahit may kalakihan pa rin siya on screen . Si Iza at Cheena, oks na oks sa kani-kanilang ga roles lalo na si Kim na dahil ang pa-tweetums na image niya ay nabasag na rin sa wakas sa kanyang role as a young kerida.

I was expecting na si Kris ay umayos na. The last film na napanood ko sa kanya was ‘yong pinagsamahan nila ni Coco Martin last MMFF 2014 na Feng Shui 2. Akala ko, may changes to a higher level ang pag-arte ni Kris na love na love ko sa pagiging TV host niya. Basta ako iritado sa boses niya sa pelikula na mamaos-maos na kapag nagpapaka-hyper na siya sa kanyang eksena, boses na parang pinupunit na yero o ‘di kaya’y chalk na iginuguhit sa blackboard ang tono.

For me, Etiquette for Mistress ay pelikula na sigurado ako ha hindi ninyo ipagpapalit sa Big Mac, Large Fries at cola float. Gora na!

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleNora Aunor, certified Kapuso na
Next articleSheryl Cruz, hindi kakainin ang salita laban kay Sen. Grace Poe

No posts to display