Kris Aquino, parang bagyo, pabago-bago ng ugali

ADVERTISING

Kris Aquino, parang bagyo, pabago-bago ng ugali

Kris Aquino, parang bagyo, pabago-bago ng ugaliHINDI MALABONG mangyari na si Senator Chiz Escu-dero na ang susunod na lalaking kung hindi man iiyak ay manghihinayang kapag nangyaring magkahiwalay silang dalawa ni Heart Evangelista. Sina Jericho Rosales at Daniel Matsunaga ang huling dalawang kilalang taga-showbiz na nagkaroon ng kaugnayan sa bida ng teleseryeng Forever ng GMA-7 na nahirapan at nasaktan talaga sa kanilang pag-hihiwalay. Mayroon ding nakarelasyon ang aktres na hindi taga-showbiz, na marahil ay sobra ring nasaktan sa paghihiwalay ng kanilang landas.

Hindi nakapagtataka na kapag nakarelasyon ng isang lalake si Heart ay masaktan at manghinayang sila sa kanilang paghihiwalay. Si Heart kasi ang tipo ng babae na kapag nakipagrelasyon ay ipaglalaban ka. Ilang ulit nang nangyari sa pagitan nila ng kanyang mga magulang ang hindi pagkakasundo na bumibilang ng ilang taon, na ang isyu ay ang pagmamatigas ng aktres na ipaglaban kung sino ang lalaking kanyang mahal.

Lumabas na rin sa mga pahayag ng mga magulang ni Heart, na mayroon na raw ngayong hindi kanais-nais na ginagawa si Sen. Chiz kay Heart, katulad ng pambubulyaw, na siyempre pa’y ang sagwa nga namang tingnan, dahil sobrang mas bata ang aktres kumpara kay Escudero. Pero ang nakalulungkot dito, wala na si Evangelista sa poder ng kanyang mga magulang, pero nakiusap ang Kapuso star, na huwag naman siyang itakwil ng kanyang mga magulang bilang anak.  Matigas ang damdamin ngayon ni Heart, dahil para sa kanya ay natagpuan na niya ang lalaking tama para sa kanya. Iyan ang pinaniniwalaan niya sa ngayon, na sobrang ikinalulungkot ng mga magulang niya.

 

ADVERTISING

PAREHONG MAHIRAP pagtiwalaan at paniwalaan sa ngayon ang mga pinagsasasabi nina Kris Aquino at James Yap sa isa’t isa, dahil mainit ang kanilang pinagtatalunan sa ngayon. Ang sagwa ng isang reklamo na nagsasabing hindi raw madalas dalawin ng sikat na basketbolista si Bimby, kaya nawala na ang loob ng bata sa kanyang daddy, na para bang hindi na nito kilala ang kanyang daddy. Samantalang parang kailan lang, sinabi ni Kris sa kanyang show, ang Kris TV ng ABS-CBN, na sobrang masaya ang kanyang anak dahil lagi silang nagkikita ng kanyang daddy.

Pabagu-bago rin si Kris ng kanyang mga sinasabi. Minsan ay sasabihin niyang okey naman na daw ang friendship nila ni James pagkatapos ng hiwalayan, dahil na nga lang kay Bimby na kanilang anak. Pero nang dahil lang sa malaking halaga ng tseke na huli niyang ibinigay kay James, nagdayalog na siya na hinding-hindi raw niya masa-sabi na friends sila ni James, hanggang sa dumating na naman ang pagsisiraan nilang dalawa ngayon.

Si Kris kasi ang ugali ay parang bagyo. Pabagu-bago. Mahirap siyang basahin kung nagsisinungaling ba sa kanyang sarili, kung nangyari lang ang hiwalayan, pero sa puso ba ay mahal pa rin niya ang ex-husband? Si James kasi, mababasa mo, na kahit nagkahiwalay na sila ng mommy ni Bimby, naroon pa rin talaga ang mga pahapyaw na pagbibiro, na iisipin mong may damdamin pa siya kay Tetay. Kaya nga mahirap kuwestiyonin kung bakit niya naramdaman na nu’ng pumasok siya sa bedroom ni Kris ay parang may gusto pa siyang mangyari. Naligaw man ang damdamin ni James, aminin man niya o hindi ay mababasa mo na may natitira pa siyang damdamin sa kanyang ex-wife.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING