Kris Aquino, pantasya pa rin si Derek Ramsay?

Kris Aquino, pantasya pa rin si Derek Ramsay?

Kris-Aquino-Derek-RamsayKahawig daw ni Derek Ramsay ang sinasabing “Viber” friend ni Kris Aquino ngayon.

Tahimik ang showbiz habang nakabakasyon si Tetay sa Hawaii kasama ang dalawang anak na sina Kuya Josh at Bimby with matching one yaya only sa kanilang back to basic and simple vacation para naman magampanan ni Kris ang kanyang “mommy role” sa dalawang anak.

Ang tsika tungkol sa lalaking kinakikilingan ngayon ni Kris Aquino na nakilala niya thru her “Viber” chat, na ayon sa mga nakakita na sa lalaki, very Derek Ramsay daw ang itsura nito. Buff na buff na siyang type ni Tetay pagdating sa pangangatawan ng isang lalaki.

Kung Derek ang peg ng ka-Viber ni Tetay, mukhang ilusyon talaga ng TV host ang sexy hunk. Kung hindi lang siguro naunahan ng tsismis at intriga sa panimula ng “special riendship” nila ni Derek, baka nagkatuluyan na ang dalawa.

Hindi nga ba’t after ng shooting ni Kris and Derek sa Palawan para sa MMFF 2015 entry niya na “All You Need is Pag-ibig”, gusto ni Kris na magkaroon ng nude painting ni Derek na isasabit daw niya sa comfort room ng ipinatatayo niyang bahay sa loob ng Green Meadows Subdivision?

Sa mga hindi pa nakapanonood ng MMFF enty ni Kris, may eksena si Derek in the nude (‘yun nga lang, long shot) na dahil sa eksena, super yummy ang dating nito kay Kris.

Sa kanyang almost two weeks vacay sa Hawaii, ginampanan ni Kris ang role niya bilang “nanay” nina Kuya Josh at Bimby, kung saan siya ang nagpe-prepare ng food nila, naghuhugas ng mga pinagkainan, at ang mga pangkaraniwang gawain ng isang ina sa kanyang mga anak.

Sa Hawaii, imbis sa isang hotel (with all the amenities and room service kung tinatamad ka ay oorder ka na lang or kakain sa restaurant ng hotel), mas ninais ni Kris na tumira sa isang service apartment (parang furnish condominium) para siya mismo ang makapag-prepare at makapagluto ng mga favorite food ng mga anak.

With such experience, proud si Tetay sa mga ginagampanang role ng mga stay home moms, na siya mismo aminado na with her hectic work schedules, hindi talaga niya keri ang ginagawa ng mga nanay na pag-aaruga at pagiging stay home mom ng mga nanay sa kanilang mga anak.

Reyted K
By RK VillaCorta