Kris Aquino, out na sa game show!

ADVERTISING

Kris Aquino, out na sa game show!

Kris Aquino, out na sa game show!

BLIND ITEM: “Hindi ko alam kung sa drugs din, pero sigurado akong sobrang alcoholic ‘yang si _____.”

Kung sinuman ito, maya-maya, ibibigay namin ang clue. Kami mismo, akala namin ay social drinking lang ang kaya ni Guwapong Young Actor.

“Nako, sooobraaang lulong sa alak. Alak na nga yata ang ginagawa niyang tubig, eh. Pagsabihan mo, galit pa sa ‘yo.”

ADVERTISING

Hindi na rin magtataka ang kausap namin kung isang araw ay mabalitaan na lang niya na napaaway si GYA, dahil sa kalasingan.

“Ang kulit pa naman niyan ‘pag lasing. Ayaw patalo, kaya away na ang kasunod no’n!

“At alam mo ba, ha? Walang exaj, nakakawalong pack siya ng yosi. Grabe! Kaya obviously, amoy ashtray na ang bibig niya.

“Kaya ewan ko kung ano’ng mangyayari sa kanya in the future. Baka maaga siyang singilin sa atay at sa baga niya sa sobrang alak at yosi niya!”

Isa pa raw na sobrang hilig ni GYA ay sa pambababae. “Nako, Ogie, grabe! Sobrang hilig sa babae. Kahit me syota na basta me babae d’yan na alam niyang me gusto sa kanya, titirahin niya.”

Aba, ang prinsipyo pala sa buhay ni GYA ay, “Enjoy while it lasts”, eh. Parang make the most as if this is your last day and tomorrow you will die.

So ano ‘to? Dahil lulong sa alak – kanser sa atay. Lulong sa yosi – kanser sa baga. Lulong sa babae – STD.

Me panahon pa para magbago. Bigyan ng “kwenta” ng aktor ang buhay niya.

 

ME ILANG twitter followers na kaming nagsasabing nananawa na sila sa kalalabas sa TV ni Janelle Manahan.

Parang gusto lang daw bang bumalik nito sa pag-aartista, kaya lahat ng talk show at news program ay nandu’n siya?

Well, sa amin naman ay hindi. ‘Pag magsasalita si Janelle ay tinututukan namin as well as ‘yung pagiging high blood sa interbyu ng nanay ni Ramgen Revilla na si Genelyn Magsaysay.

Kasi nga, para na itong teleserye na inaabangan ng mga manonood kung ano ang naghihintay na wakas.

Personally, bumibilib kami sa tapang ni Janelle sa pagharap sa isyu at pakikipaglaban para sa hustisyang gusto niyang iregalo sa pinaslang na boypren niya.

Kaya saludo pa rin kami kay Janelle.

Ituloy lang niya ang laban at alam naming ginagabayan naman siya ng batas, ng mga taong nagmamahal sa kanya.

At higit sa lahat, ni Ramgen.

 

HINDI SI Kris Aquino ang magho-host ng Kapamilya Deal Or No Deal. Nabalitang si Vic Sotto ang hahalili.

Pero sumagot ang kampo ni Vic. Hindi raw ito totoo dahil wala pang kumakausap sa kanila.

Although sabi nga ni Vic, why not? He welcomes the idea, pero wala naman daw offer ang Dos sa komedyante.

So sino nga ba ang magiging

host ng Kapamilya Deal Or No Deal?

Nalaman na namin kung sino. Totoong si Vic Sotto nga – ang natsismis. Pero ang totoong magho-host ay isa ring TV host.

Guwapo, simpatiko, mestiso, punumpuno ng sex appeal at higit sa lahat, malaki ang notes. Chos!

Hay, naku! Kung sinuman ang masuwerteng nilalang na ito ay una na ang pagbati namin, dahil he really deserves to be the next host of Deal Or No Deal.

Sino kaya sa mga bagong 26k ang matsitsismis sa kanya? Kaso, me girlfriend na siya, eh.

‘Yun na. Alam n’yo na.

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING