Kris Aquino, obvious na ‘di pa maka-move on kay Herbert Bautista

ADVERTISING

Kris Aquino, obvious na ‘di pa maka-move on kay Herbert Bautista

Kris-AquinoHINDI PA rin nakaka-move on si Kris Aquino sa naudlot na love affair nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. At marami ang nakapuna tungkol dito nang mag-guest si Bistek sa programang Aquino and Abunda Tonight.

Nataong absent si Boy Abunda dahil may sakit ito. Kaya si Kris na lang ang nagsagawa ng one on one interview kay Mayor Bistek.

Ang issue na dapat bigyang-linaw ay ang pananampal ni Herbert sa isang Chinese national na hinihinalang drug pusher. Nakapagbigay naman ng kanyang panig ang alkalde ng Quezon City.

Pero si Kris, talagang panay ang sundot maisingit lang na maalala ng viewers ang mga naging issue sa kanila ni Herbert. Gaya halimbawa ng sinabi niya  sa actor-politician na friends na sila pero may dugtong na… friends na pero umirap daw siya kay Herbert.

ADVERTISING

Hanggang sa dulo ng interview ni Kris kay Herbert, humihirit pa rin si Kris. Sinang-ayunan nga niya ang pahayag nito na hindi nananakit, pero may pahabol naman na… damdamin lang daw ang sinasaktan ni Herbert.

May gano’ng emote talaga?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING