Kris Aquino, not a loss to Jobert Sucaldito!

ADVERTISING

Kris Aquino, not a loss to Jobert Sucaldito!

Kris Aquino, not a loss to Jobert Sucaldito! MASAMA ANG LOOB ni Jobert Sucaldito kay Kris Aquino. Tinangka naming kausapin si Jobert sa aming programa sa DZRH pero tumanggi itong magbigay pahayag.

Sa halip, nagpadala na lang ito ng isang statement at ganito ang nilalaman ng pahayag ni Jobert para kay Kris at John Lapus: “Sa ngayon , Im still hurting sa panghihimasok na ito ni Kris sa isyu namin ni Starlet Lapus. Nakikipag-peace nga siya sa akin thru text, pero hindi pa nagsi-sink in sa akin. Halimbawa ma’y napatawad ko siya eventually, I’m sure that I will never be her friend again. I felt so used niya and in end, ito lang pala ang mapapala ko. ‘Di ko siya dapat panghinayangang mawala sa buhay ko, dahil she doesn’t deserve my love and respect. ‘Di ko kasi siya ka-level, feeling niya langit siya at ako’y lupa. Sinayang niya ang pagmamahal at pagmamalasakit ko sa kanya. Ipinagpapasa-Diyos ko na lang siya.”

Totoong nasaktan si Jo-bert nang magsalita si Kris sa harap nang kamera na kung saan ay sinabi nitong si John lang ang true friend niya, na para bang tinalikuran niya ang naging samahan nila ni Jobert noong mga panahong very close pa sila.

Masakit ang loob ni Jobert, pero wala siyang magagawa kundi tanggapin ang lahat. Pero siyempre naroon pa rin sa kanya ang malaking katanungan bakit kailangang makialam si Kris sa away nila ni John.

ADVERTISING

At ‘eto pa ang sumunod na text ni Jobert sa amin: “In short, wala siyang kuwentang kaibigan, lahat nang nagtatanggol sa kanya ngayon ay magigising din tiyak isang umaga, dahil ugali na ni Kris na kapag wala ka nang pakinabang sa kanya t*e ka na. Iyon lang, babu!”

Si Jobert mismo ang nagsabi na wala siyang dapat panghinayangan, dahil tinalikuran ni Kris ang kanilang friendship. Una at higit sa lahat, wala naman siyang masamang ginawa kay Kris, na sa simula’t simula pa lang ay tinuring na niyang tunay na kaibigan, na kailan man o hindi siya bibitiwan. Pero ang nangyari ay parang namili si Kris between him at John na labis niyang ikinagulat at ikinaloka.

KUMPIRMADONG BABALIK NA nang Pilipinas si Nora Aunor this coming May, kung saan ay nagpa-reserve na ito ng dalawang VIP tickets para sa kanilang dalawa ni John Rendez.

Ayon sa aming source, sa TV5 unang makikita ang first comeback screen ni Nora matapos ang kung ilang taong pamamalagi sa Amerika matapos masangkot sa droga. “Actually anytime puwede nang bumalik sa bansa si Nora kaya lang gusto niya siyempreng makasiguro na sa kanyang pagbabalik ay hindi siya mababakante at may gagawin siyang project,” sabi iyon ni German Moreno bilang patotoo na si Mama Guy ay babalik na ng bansa.

Hindi tiyak ni Kuya Germs kung may pelikula o teleseryeng gagawin si Mama Guy, pero ang isang daang porsiyentong alam niya ay masama ang kanyang loob. “Grabe kasi ang mga salitang ipinupukol sa kanya ng ibang tao, para bang may ginawang masama sa kanila si Mama Guy. Kung makapagsalita sila, para bang ang linis-linis nila.”

Ayon kay Kuya Germs, dapat daw isipin ng mga tao at ng ilang artista na nagtataray kay Nora, kung sino ang kanilang pinupukol. “Karamihan naman sa mga nagsasalita na iyan e, ‘yung mga natulungan ni Mama Guy, ‘di ba? Nagtataka nga lang ako sa kanila na akala mo kung makapagsalita e, walang bahid-dungis!”

Aminado si Kuya Germs na higit siyang nasasaktan kapag nakakarinig ng mga salitang laban kay Nora, dahil alam naman daw niya na kung may nagawa mang pagkukulang ang Superstar ay napagdusahan na niya ito. “Ang sa akin lang, sana tigilan na nila si Mama Guy kung wala silang masasabing mabuti sa tao. ‘Wag na silang nagko-comment ng kung anu-ano.”

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING