Kris Aquino, niyabangan si Andrew Garfield?

ADVERTISING

Kris Aquino, niyabangan si Andrew Garfield?

Kris-Aquino-Andrew-GarfieldPINALAGAN PALA ng isang PR person ang pagyayabang ni Kris Aquino sa interview niya kay Andrew Garfield, ang latest guy to play Spiderman.

In an interview kasi with him, Kris had the gall to tell Andrew bluntly na tinalo nila ang kita ng isang Spiderman movie when Bimby’s first movie was shown. Walang kagatul-gatol na sinabi ni Kris kay Andrew na mas wagi ang kinita ng opening day ng My Little Bossings kaysa sa Spiderman movie.

Wala na ngang nagawa si Andrew kundi sabihing “congratulations!”

Pero isang PR expert, si Joyce Ramirez,  ang pumalag sa kayabangan ni Kris and reportedly said in one interview, “How inappropriate to tell Andrew Garfield that your son’s local movie made more money than Spiderman on opening day then ask for a photo? There is a clear difference between DOLLARS worldwide and PESOS local – NEVER tell a global star you’re greater or they will ban you in the next presscon DUH!”

ADVERTISING

Aray ko! Kasi naman itong si Kris sobra’ng yabang. Pati sa Hollywood star gustong ipamukha ang kinita ng movie ng kanyang anak.

Two Kris defenders came to the rescue of their idol. One said that “PR expert but has poor comprehension. Ang sbi ni kris dahil napanuod q po un, mas malaki ang kinita ng my little bossings nung first day ng movie kesa s spiderman. D2 s philippines ang tinutukoy n kris.”

Another one said, “Ang sabi n kris d2 s philippines! Hindi naman nya snbi n mas mataas ang kinita ng pelikula n bimby kesa s kinita ng spiderman globally! Bkit dollar b ang currency natin here in tha philippines?”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING