Kris Aquino, nirerespeto ng ABS-CBN ang desisyong magpahinga sa showbiz

ADVERTISING

Kris Aquino, nirerespeto ng ABS-CBN ang desisyong magpahinga sa showbizNirerespeto at sinusuportahan ng management ng ABS-CBN ang desisyon ni Kris Aquino na magpahinga muna sa showbiz.

Inilathala ng ABS-CBN News Online nitong Huwebes, March 10, ang official statement ng network, kung saan sinasabi nitong iwe-welcome pa rin nila ang pagbabalik ni Kris matapos ang “much-needed break” nito.

Sabi sa pahayag ng ABS-CBN, “We respect and support [Aquino’s] decision to take a break from show business and prioritize her health and spend quality time with her kids. ABS-CBN and [Aquino] have agreed to discuss future plans after she takes her much-needed break.”

Noong Martes, March 8, inanunsiyo ni Kris sa kanyang Instagram na iiwan na niya ang kanyang home network matapos ang 20 taon ng pagiging exclusive artist nito, kung saan magtatapos ang kanyang kontrata sa March 28.

Kahapon, nag-last taping day rin ang kanyang “Kris TV” at ibinahagi ni Kris Aquino sa kanyang Instagram followers ang video ng photo collage mula sa nasabing taping day. Sa kanyang caption, “My last taping for @kristvofficial_ig, and it’s a wrap… I succeeded in not crying while doing my interview- because in my heart I know, I’ll see you again… Until then #LoveLoveLove”

ADVERTISING

By Parazzi Boy

ADVERTISING