Kris Aquino, negosyanteng hiwalay sa asawa ang mahiwagang manliligaw

ADVERTISING

Kris Aquino, negosyanteng hiwalay sa asawa ang mahiwagang manliligaw

Kris-AquinoMALINAW NA hindi si QC Mayor Herbert Bautista ang nagpapadala ng mga bulaklak kay Kris Aquino. Nilinaw ito ni Mayor B na hindi siya. Pero malaking katanungan pa rin sa publiko kung sino ang mahiwagang suitor ngayon ni Kris na kung magparamdam ng kanyang pag-ibig sa Queen of All Media, akala mo nagmamay-ari siya ng sampung flower shops dahil pabulosa naman talaga ang mga ipinapadalang mga flower arrangements sa haybols ni Tetay.

Balita nga namin, kahit sa dressing room ni Kris sa Aquino and Abunda Tonight, pagdating niya, bubulaga na kaagad ang mga flower arangements na hindi lang basta-basta kundi mamahaling mga bulaklak na nagiging air freshener na ito sa loob ng bihisan.

Kung tama ang hinala namin, si Moonie Lim, isang negosyante at dating mister ng TV host-celebrity na si Toni Rose Gayda (anak ni Ms. Rosa Rosal of the Red Cross fame) ang palagiang nagpapadala ng mga flowers kay Kris.

Kung totoo man ito, hmmmm…. Ang bango-bango ng bulalak…

ADVERTISING

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING