Kris Aquino, natipuhan si Michael Pangilinan

ADVERTISING

Kris Aquino, natipuhan si Michael Pangilinan

Michael-PangilinanSUNUD-SUNOD ANG suwerteng dumarating sa career ng baguhang singer na si Michael Pangilinan. Pagkatapos niyang mapili bilang interpreter ng kantang Pare, Mahal Mo Raw ako na nilikha ni Joven Tan para sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2014, binigyan naman siya ng chance ni Kris Aquino na mag-guest once a week sa programang Kris TV.

Natipuhan ni Kris ang boses ni Michael sa taping ng Kris TV last Monday at inimbita niya ang binata na maging regular guest tuwing Lunes o Martes kung saan nagiging musical ang programa.

Sina Jed Madela, Erik Santos, Juris at ibang sikat na singers ang laging naggi-guest sa Kris TV tuwing Lunes at Martes. At para maihilera si Michael sa kanila, napakalaking break at honor nito sa binata.

“Sobrang nagpapasalamat ako sa chance and opportunity na ibinigay ng Kris TV sa akin. Napakalaking bagay po nito sa career ko bilang singer,” sambit pa ng binata.

ADVERTISING

Tuwang-tuwa rin ang manager ni Michael na si Jobert Sucaldito sa magagandang nangyayari sa career ng kanyang alaga. Ang wish nito ay lalo pang umalagwa si Michael sa music industry at bigyan ng prioridad ang career more than anything else.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING