Kris Aquino, nasindak kay Toni Gonzaga?!

OLA CHIKKA! HINDI na talaga maawat itong si Kris Aquino sa paglabas hindi lamang sa telebisyon, kundi maging sa mga diyaryo. Walang tigil talaga ang mga eksena rito sa bagong reyna ng Dos, dahil maging ang kanyang anak na si Baby James ay kontrobersiyal na rin!

Bhuket?! Eh, pa’no ba naman, nakikigulo na rin pagdating sa pangangampanya at alam nating lahat kung ano ang pangyayaring ‘yun kaya hindi ko na kailangang ulitin pa. Ha-ha!

Kaya dumako naman tayo sa isa pang agaw-eksenang show na inalisan nitong si Ruffa Gutierrez. Dahil nga sa pagkawala niya ay kung sinu-sino na ang napapabalitang uupo sa puwesto niya tulad nitong sina Gretchen Barretto, Angelica Panganiban at Vice Ganda. Ngunit ang pinakamalupit sa kanilang lahat ay itong si Toni Gonzaga!

Bhuket? Napag-alaman lang naman ng aking parazzi girl na hindi raw pumayag itong si Kris nang malamang si Toni ang papalit kay Ruffa.

Hmmm… bakit kaya? Natatakot siyang mashulbugan nitong si Toni dahil sa Showbiz News Ngayon pa lang ay bonggacious na raw ang tandem ng dalawa. Eh, kung totoo man ‘yun ay hanep naman pala itong si Toni dahil kinatatakutan siya ni Kris na masapawan, eh!

Pero sorry! Ano mang kaguluhang naganap ay isa pa rin ang nagwagi at walang iba kung hindi ang anak nitong falling star, este… Megastar! Sino pa eh, ‘di itong si KC Concepcion! Ito na nga raw ang bagong makakasama nila sa The Buzz! Naku, huh! Eh, kung ako na lang ang kinuha n’yo, at nang hindi na kayo mahirapan?!

KUNG NAKAKATUWANG MGA balita naman ang nais n’yo, walang dudang ibabato ko sa inyo ang paghanga ko rito sa dalawang napakagaling na host ng noontime show, walang iba kung hindi ang Showtime!

Sino pa nga ba ang tinutukoy ko, siyempre itong napakamapagkumbabang si Vhong Navarro at napaka-cute na si Anne Curtis. Hindi ko ba maintindihan kung bakit aliw na aliw ako kapag pinapanood ko sila. Dalang-dala nila ang programa. Kumbaga sa pagkain, amoy pa lang, ulam na!

Bakit hindi kaya sila gawan ng pelikula nang magkaalaman na kung gaano sila kabenta sa mga manonood?! Say n’yo?! Say ko? Why not at dapat ‘andu’n ako! Ha-ha!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino itong young actor na hilaw na kung kani-kaninong mga aktres nali-link eh, kung tutuusin ay mabenta naman ang tandem nila ng kanyang ka-tandem na patpat! Ha-ha! Ayan puro clue na!

Pero ang chikka, talagang wala raw dating itong patpating aktres dito sa young actor at kasinungalingan na kasalukuyan daw siyang nanliligaw dito sa aktres mula sa kabilang bakod.

Itanong n’yo kung sino ang totoong prospect nitong young actor! Wala iba kung hindi ang sikat na sikat din na mestisang cowgirl na walang katulad kung mangabayo! Wa-ha-ha!!

Kilala n’yo na? Kung hindi pa, siguraduhin n’yong hindi kayo lalayo dahil hindi ko na alam ang mangyayari kung tayo’y magkakalayo! Ha-ha! ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articlePremiere Shots: Adam or Eve (Press Conference)
Next articleIya Villania, lilipat na rin ng TV network?

No posts to display