Kris Aquino, napikon sa opinyon ni Judy Ann Santos

Kris Aquino, napikon sa opinyon ni Judy Ann Santos

Judy-Ann-Santos-Kris-AquinoKALAT NA kalat na sa social media na in-unfollow ni  Kris Aquino si Judy Ann Santos because of her Instagram post which read: “I respect your opinion. Lahat naman tayo nagbabayad ng buwis. Kaya lahat tayo may karapatang magbigay ng sarili nating opinion at saloobin sa mga bagay na gobyerno ang involved. You might want to check other ig accounts of other public figures as well. We all share the same sentiments. Tao lang rin kami. Kaya may karapatan kaming sabihin kung ano ang nararamdaman namin. It is already an issue to begin with.”

Actually, ang statement na ‘yun ni Juday ay reaction lang niya sa isang follower na nag-comment na being a public figure that she is ay hindi dapat siya nagpapatutsada sa president. Tinawag pang epal si Juday ng follower.

Marahil ay napikon lang si Kris kay Juday kaya niya in-unfollow ang aktres, that is, kung true nga na hindi na niya pina-follow ang dyowa ni Ryan Agoncillo sa Instagram.

Sabi nga ng isang fan, “What else is new with Kris?”

Oo nga naman. Dapat tanggapin ni Kris na karamihan ay imbiyerna sa kanyang president-brother dahil sa pang-iisnab nito sa 44 slain SAF members. Mas pinili pa nito ang inauguration ng isang car plant kaysa personal na makiramay sa mga namatay na pulis.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas