Kris Aquino napaluha sa pagiging humble ni Manny Pacquiao

Leo Bukas

BUO PA RIN ang paghanga ni Kris Aquino kay Manny Pacquiao kahit pa natalo ito sa huling laban niya kay Yordenis Ugas sa pamamagitan ng unanimous decision.

Idinaan ni Kris sa kanyang Facebook at Instagram post na ginawan pa niya ng art card ang pagsaludo kay Pacman.

Kris Aquino napaluha sa pagiging humble ni Manny Pacquiao
Kris Aquino and Manny Pacquiao

Caption ni Kris, “Pinahanga mo ako #PacMan. Lumuha ako sa interview mo. No need to apologize, and we Filipinos wholeheartedly appreciate your THANK YOU.

“Most of all recognizing that the real fight, ‘yung totoong #laban is back here at home para sa mga kababayan mo, after what I am sure was a crushing loss, you truly are a man of #faith.”

Dagdag pa ni Kris,  “Madali at masarap manalo, tonight nakita ko sa gitna ng pait ng pagkatalo kinayang ngumiti, magpakumbaba, humingi ng paumanhin, at magpasalamat ng isang taong kung tutuusin nagawa ang hindi na mapapantayan- mabigyan ang ating bansa ng 8 titles in 8 different weight divisions. Mabuhay ka @mannypacquiao (emojie Philippine flag and heart).”

Maraming netizens naman ang natuwa sa papuri ni Kris kay Pacman. Lahat sila ay proud ding sabihin na isa talagang boxing legend si Pacquiao.

“You are still our champion. Obviously he is young and strong. He has long hands to reach u easily for a punch. You are a good fighter/boxer no doubt about it. For us viewers we are so scared for your health. Take care Manny you are not getting any younger. We are praying for you na sana you are always well. God bless,” sabi pa ng isang netizen.

Isang netizen din ang nagpahayag na hindi kailangan ng boksingero na mag-apologize sa kanyang pagkatalo dahil marami na siyang ibinigay na karangalan sa bansa.

“Tama ka Ms. Kris. Pacman doesn’t need to apologize to the Filipino people. marami na rin syang napatunayan. this is sport, sometimes you win, sometimes you lose!! God bless everyone.”