Kris Aquino, nakipagplastikan sa press people?!

OLA CHIKKA! PATAPOS na naman ang linggo, pero hindi pa rin paaawat ang mga chikka natin to the maximum authority of chismis. At dahil mainit na mainit itong bonggacious na celebrity na kasing init na ng summer ay nakuha niya ang aking attention. Bonggacious!

Wala nang iba kundi si Kris Aquino dahil talagang naiinis ako sa mga chikkang ibinabato sa kanya, kaya pati ako nangungunsumi… Bhuket? Kasi bawat galaw na lang nitong si Kris ay ang dami na agad nasasabi ng mga tao.

Kaya kung akala ng marami na masaya ang buhay-showbiz, nagkakamali sila. May gawin ka man o wala, pag-uusapan ka talaga. Tulad na lang ng nangyari sa kanila ni Ruffa Gutierrez, daldal lang siya ng daldal dahil iyon ang trabaho niya. Ito namang si Ruffa, napikon. Tapos ngayon, pati ‘yung sa kanila ni Cristy Fermin, nabigyang-kulay na naman.

Ako ay nakikiramay sa pagkawala ng ina ni Cristy Fermin ngunit ako’y ipagpaumanhin sa pagtalakay ng chikang ito. Nang nagpunta itong si Kris at nakiramay kay Cristy, ang dami na namang napuna sa kanya. Kahit nagkaroon ng alitan ay hinarap naman ni Cristy itong si Kris at ipinakilala sa mga press people na naroon din. Pagka-pakilala ay tumango lamang at ngumiti itong si Kris ayon sa aking parazzi girl. At ayun… na-chismis agad ang kawawang Kris. Kesyo mayabang daw at pilit lamang ang ngiti.

Heler! Ano’ng mali sa ginawa niya, eh, hindi naman pumunta ang beauty niya roon para mag-entertain kundi makiramay. Hindi iyon party para makipagsosyalan or i-approach lahat ng tao dahil sa dami ng press people. Alangan namang isa-isahin pa niyang halikan ‘yun. Baka nakalilimutan n’yong may nagluluksa dahil burol ‘yun. Alangan namang ngumiti ka nang bonggang-bongga at makipag-chikahan sa mga bisita?! O, sige paano kung nakipagkamay siya sa lahat ng tao, ano naman ang i-chichika n’yo sa kanya? Nangangampanya?!

Excuse me pow! Para ipaalala sa inyo, hindi politician si Kris! Hindi siya ang kumakandidato, kundi ang kanyang kapatid. Kahit magkapatid sila, magkaiba silang tao, magkaiba sila ng katawan kaya p’wede bang tigil-tigilan na nila ang paghahalo ng pulitika sa bawat kilos nitong si Kris, dahil hindi siya kasali sa mga presidentiables.

Kunsabagay, wala namang ipinag-iba ang showbiz at politics, lahat may chikka.

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong baon kong sa sobrang nakatutuwa ay nai-blind item ko tuloy?

Sino siya? Sino itong bigtime host as in bigtime talaga, dahil mawiwindang ka sa mga halaga ng mga kagamitan sa kanyang bahay.

Bhuket?! Dahil toothbrush lamang ay nagkakahalaga na ng ilang libong mga lagpas fifty thousand pesos yata ‘yun, eh. May diamond ba sa sipilyo na ‘yan? Mas mahal pa yata sa gamit niyang toothpaste. At ang upuan sa mansion niya? Two hundred thousand pesos lang naman! Bonggacious!!

Naku, ‘day! Kapag ako ang umupo du’n, hindi na ako tatayo, ma-enjoy lang ang dalawang daang libong pisong upuan na ‘yun. Ha-ha!

Gusto n’yo ng clue? Nasabi ko nang bigtime host, ‘di ba? Dapat gets n’yo na at kung hindi pa, sige isa pa… pinagbawalan siyang magsuot ng orange! ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleSey ng komedyana: Hawakan na ang keps n’ya, ‘wag lang ang kanyang boobs!
Next articleShaina Magdayao, tuluy-tuloy na sa pagpapaseksi!

No posts to display