Kris Aquino, naiyak sa tindi ng suporta ng pamilyang nagpa-block screenings sa ‘I Love You, Hater’

ADVERTISING

Kris Aquino, naiyak sa tindi ng suporta ng pamilyang nagpa-block screenings sa ‘I Love You, Hater’

Kris Aquino, naiyak sa tindi ng suporta ng pamilyang nagpa-block screenings sa ‘I Love You, Hater’
Kris Aquino

AYAW pangalanan ni Kris Aquino ang isang prominenteng pamilya ng mga pulitiko na todo-todo ang suporta sa latest film niyang I Love You, Hater na showing in more than 200 theaters nationwide.

ADVERTISING

      Panay ang pa-block screenings ng pamilyang ito para maging blockbuster talaga ang pelikula na pinagbibidahan din nina Joshua Garcia at Julia Barretto. Hindi lang kami sure kung sila yung bumili ng 20 block screening schedules for the film o iba pa yon.

Post niya sa Instagram, “I cannot name the place nor the family — pero ito yung niregalo sa kin today ng isang totoong kaibigan… walang exag — naiyak kami ni Ate. I sent her the pics.

“From 2010 to 2016 — WALA silang napakinabangan sa min at all — pero hindi sila ever pumalya. Regular ang kamusta, regular ang pagpadala ng pagkain, hindi nagbago ang pagtingin…

ADVERTISING

“Kung pwede ko lang pagsigawan para maka THANK YOU. Pero alam na ni God kung gaano kahalaga itong ginawa nya para sa ‘kin.

“Sabi nga ng Ate ko: these are the moments that will always remind you that TRUE FRIENDS REALLY EXIST. Sana nga talaga bilog ang mundo — para mabigyan ako ng chance na masuklian ang pagmamahal at no questions asked na suportang pinaramdam nila sa kin. #loved.”

Nakiusap din si Kris sa kanyang supporters na huwag i-bash ang ABS-CBN.

“I have 1 request- ako na naman kasi ang mabubutasan pag bi-nash nyo ang ABS CBN dahil sa ramdam ninyong hindi sila sumuporta sa “i love you hater”… Ibalato nyo na po sa ‘kin.

“Nasabi ko naman na buong buo ang loob at paninindigan — inaako ko ang kinalabasan ng kita ng “i love you hater” — kaya kong gawin yun dahil mahabang mahaba pa ang journey ni@garciajoshuae & @juliabarretto. They don’t deserve to suffer for having worked w/ me…

“Mahusay na director si @igisellle & naging mabuti ang trato sa kin ng mga naka trabaho ko sa @starcinema…” post ni Kris sa kanyag IG account.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING