Kris Aquino, nagpapahabol na naman kay Mayor Herbert Bautista?

Kris Aquino, nagpapahabol na naman kay Mayor Herbert Bautista?

Kris-AquinoANG GULO ng pangyayari. Nagtataka lang ako kung ano ang nangyari kay Kris Aquino para mag-emote ito at hindi na matutuloy ang project niya para sa MMFF 2015 sa darating na December.

Tulad ng kanyang lovelife, sala sa init, sala sa lamig ang diskarte niya sa kanyang showbiz career ngayon. Nag-quit siya sa talkshow nila ni Kuya Boy Abunda dahil sa kanyang health and this time, ang project niya with Quezon City Mayor Herbert Baustista.

Ang alam ko, tuloy na tuloy na ang pelikulang pagsasamahan nila ni Mayor Herbert na entry ng Star Cinema para festival. Sa presscon niya ng hit movie na Etiquette for Mistress, siya ang nagkuwento na hindi na raw matutuloy si Mayor Bistek sa pelikula kaya papalitan na siya. Sa katunayan, si Derek Ramsay nga ang pamalit.

The following weekend sa pa-birthday blow-out ni Mayor Herbert sa mga birthday celebrants na mga entertainment press for the months of July, August and September, ibinalita naman ni Mayor na tuloy na siya sa pelikula matapos silang magkausap the previous night ni Ms. Malou Santos na bosing ng Star Cinema, na he should be in that project tulad sa original plan. Kaya si Mayor Bistek, oks na rin at hinahanda na rin ang sarili para sa naturang pelikula lalo pa’t need niya ng maayos na shooting schedules at kailangan din niyang maghanda.

Dumaan ang isang linggo at heto na naman si Kris na nag-post sa kanyang social media account na hindi na raw matutuloy ang project. Ang simpleng dahilan, hindi maa-accommodate ng cinematographer na personal choice ang project dahil sa previous commitment nito.

Kaya nga kung mahalaga talaga ang project na ito kay Kris, kung sino man ang makuhang tehnical staff ng Star Cinema, hindi na marahil mahalaga ‘yun. Hindi na isyu. Ang importante, tuloy ang pelikula ng Star Cinema na papalit-palit na rin ng titulo at malamang sa hindi sa pagkakaalam ko, may ruling ang MMDA na any major changes sa approved storyline & cast ng isang MMFF entry ay magkakaroon ng penalty.

Dahil sa drama na ito ni Kris, malamang makakaltasan na naman ang Star Cinema, lalo na kapag hindi na matutuloy ang pelikula. Sa parte ng MMDA, mangangarag na naman sila kung sino at anong project ang ipapamasak-butas sa slot na ibabakante ng Star Cinema.

Ewan ko rin kung sa dramang ito ni Kris ay nagpapahabol na naman siya kay Mayor Bistek. As far as I know, balik-James Yap issue na naman si Tetay na ini-emote niya ngayon sa kanyang social media na pinatulan ang isang basher niya ang luma at panis na isyu.

Reyted K
By RK VillaCorta