Kris Aquino, nagpahiwatig ng malaking pagbabago sa showbiz career

ADVERTISING

 alt=

Kris Aquino
Kris Aquino

Hindi gaanong aktibo ngayon ang social media accounts ni Kris Aquino. Pero kalian lang, ilang message ang ipinost niya sa kanyang Instagram account na tila nagpapahiwatig ng malaking pagbabago sa kanyang showbiz career.

Sa unang post ni Kris, nakasaad ang “NEW LIFE… LOADING”

Sa sumunod na post, nakasulat naman ang “I AM CURRENTLY UNDER CONSTRUCTION. THANK YOU FOR YOUR PATIENCE.”

Sa huling post, nabanggit ni Kris na “It’s okay to be scared. Being scared means you’re about to do something really, really brave.”

ADVERTISING

Tingin ng followers ni Kris sa social media, may kinalaman ang posts na nabanggit sa pag-alis ng host-actress sa ABS-CBN management at paglipat sa GMA sa pamamagitan ng TAPE, INC na siyang namamahala ngayon ng kanyang showbiz career, gayundin sa mga proyektong nakatakdang gawin sa bago niyang bakuran.

Well, malalaman natin sa mga darating na araw, kung ano nga ba ang bago na puwedeng ihain ni Kris sa viewing public sa kanyang “pagbabagong-bihis” daw. Kagatin naman kaya o tuluyan na siyang mapanis?

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

ADVERTISING