Kris Aquino, nagpaganda nang husto sa paghaharap nila ni James Yap sa korte

ISA SA TINUTUKAN nang husto nitong weekend ay ang pagkikita nina Kris Aquino at James Yap sa korte.

Dininig na nga nu’ng Biyernes ng hapon ang Declaration of Nullity of Marriage nina Kris at James sa sala ni Judge Cristina Sulit ng Makati-RTC.

Kuwento sa akin ng Startalk reporter namin na tumutok din doon sa hearing, parang piyesta raw sa munisipyo ng Makati dahil sa pagdating nina Kris at James.

Ang sabi nila, wala raw roon si Makati Mayor Junjun Binay pero obvious na todo ang security sa kanilang dalawa lalo na kay Kris at sa mga kapatid nito na sumama para suportahan ito.

Mahigit tatlong oras daw sila sa korte, na ang napagkasunduan ay ang Visitation Rights na hiningi ni James para sa anak nilang si Baby James. Medyo nalilito lang ako ngayon kung Baby James ba o Bimby na ang tawag sa anak nila.

Sabi naman ni Kris, bukas na siya sa pakikipag-ayos kay James alang-alang sa kanilang anak.

Unang dumating daw si Kris na mukhang nag-ayos nang husto dahil ang ganda niya roon, huh! Sabi nga ng bakla roon, parang nagpaganda nang husto si Kris dahil magkikita sila ni James.

In fairness din naman kay James, ang guwapo rin niya nang dumating ito nu’ng araw na ‘yun. Parang nakakatulong yata sa kanila ang paghihiwalay nila dahil maganda silang tingnan, ha?!

Nu’ng nagkasama na raw sila sa loob ng korte, kumaway raw si James kay Kris at tumango naman daw ang huli. Ilang beses pa silang tinawag sa chamber ng judge para mag-usap at magkasundo sa schedule ng visitation rights na hinihingi ni James.

Ibinigay na nga kay James ang araw ng Miyerkules at puwede na raw mag-overnight sa kanya ang bata tuwing Biyernes at Sabado ng hapon niya ito ibabalik.

Aminado si Kris na malungkot siya dahil heto na’t haharapin na ang pagkabigo ng kanilang marriage. Mabuti’t nandiyan daw ang anak niyang si Baby James na nagpapalakas sa kanya. Lagi nga raw sinasabi sa kanya ni Baby James na “hindi na away Mama and Papa.”

Bakit? Lagi ba silang nakikita ng kanilang anak na nag-aaway?

Pero heto na nga at idinaan na sa legal na proseso ang kanilang paghihiwalay, kaya mukhang malabo na silang magkabalikan.

Sinabi naman ni Kris na tanggap na nito ang kanilang paghihiwalay, pero puwede naman silang manatiling magkaibigan at magulang sa kanilang anak.

Panibagong chapter na naman ito ng buhay ni Kris na sinusubaybayan nating lahat.

ALAM N’YO? NAGING paboritong tambayan ko ang studio ng Tweetbiz kapag nagti-taping sila. Bukod sa masarap ang pagkain nila roon, type ko ang samahan nila roon na parang ang saya-saya nila lagi.

Kaya nagtaka ako nang biglang naintriga na sina Tim Yap at Mr. Fu. Hindi nga sila ganu’n ka-close friends pero ‘pag magkasama sila sa taping, walang intrigahan at masaya nga sila. Ako pa nga minsan ang nang-iintriga sa kanila.

Mabuti’t hindi naman lumaki ang intriga sa kanilang dalawa dahil nagkausap sila nang maayos at nagkaintindihan naman.

Nangako pa si Tim na susuportahan niya si Mr. Fu sa bagong programa nito sa nilipatan niyang bagong radio station, ang 103.5 Wow FM radio.

Bongga yata ang offer du’n kay Mr. Fu kaya iniwan nito ang dati niyang istasyon at pinili itong sa Wow radio.

Ngayong araw na siya magsisimula kaya abangan n’yo na lang iyan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleBaby James, bugbog-sarado sa isyu ng mga magulang!
Next articleMariel Rodriguez, baliw sa pag-ibig?!

No posts to display