Kris Aquino, nagmumukhang katawa-tawa

ADVERTISING

Kris Aquino, nagmumukhang katawa-tawa

Kris-AquinoMARAMI MAN ang hindi kaagad naniwala noong una sa pagkalat ng tsismis tungkol sa panandaliang ugnayan nina Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista, mas marami ang humula na kung kilala natin talaga si Tetay sa kanyang mga naging kadramahan sa showbiz lalo na sa kanyang lovelife, hindi talaga magtatagal kung anuman ang namamagitan sa kanila ni Bistek. Una sa lahat, ang daming taga-showbiz na kumontra tungkol sa naging closeness nina Kristek.

Curacha din kasi si Kris. Wala siyang pahinga sa mga pakikipag-ugnayan sa kung sinu-sinong lalaki na siya lang din naman ang nagmumukhang katawa-tawa sa dulo ng kuwento. Bunso kasi ng kanilang pamilya, mayaman at sikat si Kris, kaya kahit matalino siyang tao ay hindi niya rin alam ang paggamit ng dyahi, na ginagawa na siyang katatawanan sa showbiz, dahil sa kanyang mga kadramahan. Ang nakakalowkah din kay Kris, matibay talaga ang kanyang sikmura, dahil kung ano ang kanyang mga ginawa, pagkatapos noon, anumang panlalait sa kanya ay tinatanggap na lang niya.

Ilang taon na ang nakakalipas, nu’ng si Robin Padilla pa ang nali-link kay Kris, habang kasagsagan ng mga negatibong balita tungkol kay Binoe, si Manay Lolit Solis pa noon ang talent manager ni Tetay, kinaray kami ni Manay sa dubbing ni Tetay ng pelikulang Vizconde Massacre sa LVN Compound. Nang hingan si Kris ng reaksiyon tungkol sa mga kaingayan noon ni Robin sa showbiz. “Alam n’yo kasi, kapag sikat at may malaking pangalan ang isang artista, mahirap sabihan,” wika ni Kris. Na sa ngayon, ang linya niyang iyon ay parang mas masarap sabihin at ibato mismo kay Kris. ‘Di ba naman?

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING