Kris Aquino, naging sentro ng isyu sa Fallen 44

Kris Aquino, naging sentro ng isyu sa Fallen 44

2 Kris-AquinoNAG-SORRY RAW si Mayor Joseph Estrada kay Kris Aquino dahil sa mga inilabas na komento ng anak niyang si Jerika at pati yata si Jake Ejercito.

Ipinost ‘yun ni Kris sa kanyang Instagram account at ang gusto na lang daw niya, positive.

Ay, ewan ko sa kanya! Sabi ko nga sa Startalk, ang isyu rito ‘yung nangyari sa Maguindanao at sa pagkadismaya ng mga tao sa ginawa ni PNoy. Ngayon bakit napunta na kay Kris ang isyu. Kinakalkal na ngayon ang Instagram account niya, kung sino ang na-follow at na-unfollow.

Hay, naku! Tapusin na nga ‘yan. Tutal okay na silang lahat, eh ‘di okay na!

Ang dapat na focus natin ngayon ay mabigyan ng hustisya itong ginawa sa 44 na Fallen Heroes natin, na ang sabi nga nila huwag daw nating sabihing “fallen” kundi 44 Brave Heroes daw.

Diyan na tayo mag-focus, at isipin din sana kung paano natin matulungan ang pamilyang naiwan, at pati na rin ang mga naka-survive.

Ang dinig ko, marami raw ang nagkakainteres na gawing pelikula ang kuwento ng nangyari sa Mamasapano, Maguindanao.

Nandu’n yata sa mismong pinangyarihan si Cesar Montano. Interesado kaya siyang gawin ito?

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis