Kris Aquino muling na-experience ang mag-host ng TV show dahil kay Willie Revillame

Leo Bukas

AFTER almost five years ay na-experience ulit ni Kris Aquino ang mag-host ng isang TV show. Muli siyang napanood sa Kapuso Network nitong August 8 para sa Mega Flash Sale ng Shopee bilang co-host ni Willie Revillame.

Nag-post din si Kris ng larawan nila ni Willie kasama ang ibang guest para sa special episode ng Shopee.

Kris Aquino muling na-experience ang mag-host ng TV show dahil kay Willie Revillame
Kris Aquino and Willie Revillame

“Paano ba magsisimula? THANK YOU to my friend, a real friend Willie Revillame because from even before the 1st lockdown, bago pa naging bahagi ng mga buhay namin ang SHOPEE, he tried his best to convince @gmanetwork to give me a chance to co-host with him,” caption niya sa larawan.

Nagpasalamat din si Kris sa mga bosses ng GMA-7 na sina Ms. Annette at Joey Abacan sa oportunidad.

“Thank you @annettegozonvaldes and @joeyabacan for this opportunity,” post ni Kris.

Sinagot naman ang GMA exec ng, “We’re so excited to watch you at the Shopee Special!” na may kasamang  emoji smiley.

Samantala,  inamin din ng former actress and TV host na takot na siyang lumabas sa TV ngayon dahil sa paiging underweight niya.

“Honestly, takot akong bumalik on TV (and all platforms FB, YT, IG, and Twitter) this Sunday because I know I’m underweight, although I’m fully vaccinated I do have autoimmune, I’m still grieving, and matagal na ‘kong hindi lumalabas on network TV.

“BUT sabi n’yo hinahangaan n’yo sa ‘kin ang pagiging “strong” ko – NOW is my chance to prove it, and why should I be scared? Katabi ni KCA si WBR and this is for @shopee_ph. And for all of my followers na patiently naghintay for this moment to arrive. #lovelovelove,” sabi pa niya.

Previous articleSB19 big winner sa Myx Music Awards 2021
Next articleVLOG WATCH: Luis Manzano and Jessy Mendiola’s Honeymoon in Amanpulo Island!