Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista, nangangamoy gamitan na naman?

ADVERTISING

Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista, nangangamoy gamitan na naman?

Kris-Aquino-Herbert-BautistaBAKIT PARANG ang dami yatang nandiri nang nalaman nilang magsasama sina Kris Aquino at Mayor Herbert Bautista sa pelikulang isasali nila sa Metro Manila Film Festival. Kasama pa raw si Bimby, kaya parang yucky, ‘di ba? Nangangamoy gamitan daw.

ADVERTISING

Naku, ha! Ano kaya ang pakulo ni Kris diyan? Knowing her, maraming gagawing isyu ‘yan na pag-uusapan para uminit ang pelikula nila.

Mabait naman si Mayor Herbert kaya sana hindi siya maapektuhan sa mga kadramahan ni Kris, ‘no!

Kung matutuloy ‘yan, matinding labanan ‘yan dahil tapatan sila ni Ai-Ai delas Alas na makakasama naman si Vic Sotto sa pang-MMFF nila.

ADVERTISING

Si Vice Ganda, tiyak meron din! Ano kaya ang kalalabasan ng mga entries ng MMFF sa taong ito?

Hay, naku!

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING