Kris Aquino, may wish para kay Piolo Pascual

ADVERTISING

Kris Aquino, may wish para kay Piolo Pascual

Piolo-Pascual-Kris-AquinoWISH NI Kris Aquino para kay Piolo Pascual na maging back-to-back Box-Office King awardee ang actor. Piolo was declared Box-Office King this year dahil sa pelikula niyang Starting Over Again na ipinalabas last year kasama si Toni Gonzaga na inawardan din bilang Box-Office Queen ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation.

Piolo has a new movie now, ang The Breakup Playlist na first time nilang pinagsamahan ni Sarah Geronimo at base sa mga feedback, mukhang kikita rin ito nang husto sa takilya.

Well, let’s hope na maging kasing lakas din ng Starting Over ang The Breakup Playlist at mag-dilang anghel si Kris.

Naikuwento nga pala ni Papa P na insecure na boyfriend ni Sarah ang role niya sa The Breakup Playlist. Naging kakompetensiya raw niya si Sarah sa career at naging dahilan ‘yon para mag-break sila.

ADVERTISING

Puro nice words naman ang sinasabi ni Piolo sa working experience niya sa singer-actress. Wala raw itong kaere-ere sa katawan at very professional sa trabaho.

Si Antoinette Jadaone ang sumulat ng script ng The Breakup Playlist and the film is directed ng boyfriend niyang si Dan Villegas. Palabas na ito sa Miyerkules, July 1.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING