Kris Aquino, may sariling SONA

ADVERTISING

Kris Aquino, may sariling SONA

Kris-AquinoAYAN, HA?! Nagsalita na si Kris Aquino tungkol sa naudlot na love affair nila ni Mayor Herbert Bautista.

Pagkatapos niyang magsalita sa The Buzz, ang daming nag-react tungkol sa mga sinabi niya na ang sabi nga ng karamihan, inunahan pa raw niya ng SONA ang kuya niya.

Ewan ko lang kung napanood ni Mayor Herbert ‘yun dahil alam ko nasa England yata siya.

Pero ang dami nang nag-react na nairita yata lalo sila kay Kris.

ADVERTISING

Nasabi ko nga sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado, mag-sorry muna siya sa ex-girlfriend ni Mayor na si Tates Gana, dahil apektado ang mga anak nila nu’ng na-link silang dalawa.

Kaya nga ayaw naNG makipagbalikan ni Bistek dahil sinabi nga niyang mas mahal niya ang mga anak niya.

Pero keber ni Kris kung nilait siya sa pagsasalita niya sa The Buzz. Kinabukasan, nagsimba na siya sa Manaoag. Pray nang pray na lang si Kris.

Inaabangan ang pagbabalik ni Herbert para hingan ng sagot. Pero tingin ko ayaw na niyang patulan ‘yan.

Pero pagkatapos ng isyu nila ni Kris, napag-usapan na naman siya ngayon dahil sa ipinost niya sa Instagram account niya ng ensaymada na regalo sa kanya ni Gov. Vilma Santos.

Inilagay pa niya du’n sa Instagram niya ang card na bigay sa kanya ni Vilma na may dedication na may maling spelling.

Ang nangyari tuloy, ang daming nairita kay Kris dahil bakit pa raw niya ipinost ‘yun, na nakita naman niyang may mali sa sinulat ng Star For All Seasons, pati si Vilma ay binaba-bash na rin dahil nga sa maling spelling na nasulat niya.

Kinabukasan ay ipinost niya ang text sa kanya ni Vilma na inamin naman ang pagkakamali niya. Pero ang dami pa ring nairita kay Kris. Pero I’m sure ini-enjoy pa rin ni Kris ‘yan, at least pinag-uusapan pa rin siya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING